Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !

Na-update: Hunyo 9, 2025


Sa bisa nga ng ganyang kilusan ay maaaring asahang sa araw ng bukas ay magiging parang pangarap na lamang ang larawang guhit ng makisig na pinsel ni Arsciwals: ang sama ay lubusang mawawala. At ni isang Pablo, ni isang Gervasio at isa mang manggagawang balisawsawin, ay wala nang makikita.

Puhunang walang puso at mapanginis; manggagawang napaghaharian ng biglaang simbuyo ng loob at napasusuko ng munting siphayo; aklasang sa tabi-tabi lamang pinagkakaisahan at hindi bunga ng isang pagliliming mahinahon; isang Pablong napakakasangkapan sa Puhunan, sa bísa ng masasarap na pangako at isang Gervasiong puno ng aklasan nguni't alagad ng kahinaang loob at ng kawalang-pagasa; isang Maurong masugid na alagad ng Bagong Panahon nguni't mahinahong gayon na lamang, at kahinahunang hindi nagtapos sa mabuti kundi sa loob ng bilangguan; saka aklasang sa gulo natapos at namatay sa kusang pagpatay ng manggagawa rin ... iyan ang sa aklat na ito ng kaibigang Arsciwals ay boong liwanag na naglalarawan.

At m~ga babaing gaya ni Serafina, ay bihira nating makikita. Sumapit ang kinabukasan. Ang pagawaang pinagaklasán, nang umagang yaón ay pinapasukan na n~g maraming manggagawa. Ang lahat halos n~g m~ga manggagawang ito ay pawang nan~gahikayat ni Pablo sa ibang m~ga pagawaan.

Alamin muna natin ang lahat nang ito, samantalang naghihintay sila upang mabatid natin. Nang araw na sinundan, ang m~ga manggagawang nasabi ay tumanggap n~g isang babalang buhat sa m~ga may-ari n~g pagawaan, at doo'y ipinababatid sa kanila na sa kinabukasan ay ibababa ang upa sa lahat n~g m~ga "vitola" na kanilang ginagawa.

Samantalang tumatakbo ang m~ga pangyayari, ang m~ga manggagawang tabakero ay patuloy naman sa kanilang pagpasok sa arawaraw at sa halagang naging sanhi n~g aklasan ay sumailalim. At hindi lamang yaon.

Sa wakás ay malugod at buong puso kong inihahandog ang Munting Kasaysayang ito, sa lahat at bawa't isa n~g m~ga manggagawang pilipino at gayon din sa m~ga matatalinong makamanggagawa na nagtataguyod sa buhay at kapalaran n~g m~ga anák-pawis dito sa atin.

Subali't, ang takdang panahong iyan ay maikli kung isusukat natin sa haba at tagal nang panahong ikinabibilanggo sa piitan n~g pagkabusabos at kaalipnan n~g lalong dakilang karapatan n~g m~ga manggagawang pilipino na kinabibilan~gan n~g inyong amá, at karapatang siyang ninanasang ipagtanggol niya hanggang sa maaabot n~g kanyang kaya; n~guni't sadyang kapos palad pa ang m~ga manggagawa ... sapagka't ang panahon n~g kanilang ganáp na pagkatubós ay malayo pang sumapit sa kanila.

Ang bawa't pulutong n~g m~ga manggagawang yaón, ang bawa't pangkat na nag-uúsap, ang lahatlahat na, ay nagsikilos, nagsilakad, at ang dumarating na Lupon ay sinalubong. M~ga kapatid: ang wikang malakas n~g pan~gulong Gervasio nang mapalapit sila sa m~ga kasama Mahaharap marahil tayo sa isang malaking paglalaban.

Malalalim na buntonghinin~gang makadurog puso ang sa dibdib n~g m~ga kaawaawang manggagawang yaon ay pumulas; m~ga buntonghinin~gang nagpapakilala n~g tinitiis nilang hirap sa iilang araw pa lamang na itinatagal n~g aklasan. ¡Gaano pa kaya, kung ang aklasan ay magtagal n~g isang buwan man lamang! At si Mauro, sa haráp n~g gayong namamalas ay lihim na nagtitiis.

Kun sa palagay ninyo, m~ga manggagawang pilipino na makababasa sa Kasaysayang kalakip nito, ang kanyang m~ga nilalama'y walang kahaláhalagá sa harap n~g m~ga suliraning manggagawa sa Pilipinas ay ipalalagay ko rin, na ako'y walang sinulat na anoman, at ang Kasaysayang ito ay ituring ninyo na isang panaginip n~g sumulat ó isang pan~garap lamang n~g diwa kong umaasa sa Tagumpay n~g Paggawa sa ibabaw n~g Puhunan....

Salita Ng Araw

aatuhan

Ang iba ay Naghahanap