United States or Niue ? Vote for the TOP Country of the Week !


At sa bisa ng paniwalang ito ay kung kaya nasukat ko at napagabot ang kahalagahan ng akdang ito ni Arsciwals. Nakikinikinita kong sa likod lamang ng maiksing panaho'y lubos nang mawawala ang dito'y inilarawan ng may akda, at dahílan dito'y ¿ano at bakit nga di magkakahalaga ito sa ang akdang ito'y magiging pangpagunita sa kalunoslunos na kahapon ng suliraning manggagawa rito?

Dahil na dahil man lamang dito, at huwag na sa iba pa, ay labis nang ikagalak at purihin ang pagkakapaglathala dito. Kaya, tanggapin ng kaibigang Arsciwals ang aking papuri. = Carlos Ronquillo. = 25 Sept. 1915. Ilang salita muna ...

Sa bisa nga ng ganyang kilusan ay maaaring asahang sa araw ng bukas ay magiging parang pangarap na lamang ang larawang guhit ng makisig na pinsel ni Arsciwals: ang sama ay lubusang mawawala. At ni isang Pablo, ni isang Gervasio at isa mang manggagawang balisawsawin, ay wala nang makikita.

Puhunang walang puso at mapanginis; manggagawang napaghaharian ng biglaang simbuyo ng loob at napasusuko ng munting siphayo; aklasang sa tabi-tabi lamang pinagkakaisahan at hindi bunga ng isang pagliliming mahinahon; isang Pablong napakakasangkapan sa Puhunan, sa bísa ng masasarap na pangako at isang Gervasiong puno ng aklasan nguni't alagad ng kahinaang loob at ng kawalang-pagasa; isang Maurong masugid na alagad ng Bagong Panahon nguni't mahinahong gayon na lamang, at kahinahunang hindi nagtapos sa mabuti kundi sa loob ng bilangguan; saka aklasang sa gulo natapos at namatay sa kusang pagpatay ng manggagawa rin ... iyan ang sa aklat na ito ng kaibigang Arsciwals ay boong liwanag na naglalarawan.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap