United States or Micronesia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Palibhasa'y akó marahil ang unang sumaksi sa pagkakasulat ng mga unang dahon nitó, kaya siyang napitang tumungkol ng kailañgang pagpapaaninaw kung anó't ang isáng akdang limbag na noon pang Agosto ng 1909 ay ñgayon lamang natuluyang palabasín at ipagbibilí sa mga aklatan. Ang Bulalakaw ng Pag-asa ay natapos sa limbagan noon pa ñgang 1909.

Kung ang tagumpay n~g mangdudula ay nakikilala sa pagkatig sa piling niya n~g lalong marami't piling nanohood, ang di gagaanong taong umuuhong lagi sa m~ga dulaan kailan pa ma't itatanghal ang alin man sa kanyang m~ga akdang "M~ga Pagkakataon," "Opereta"? at "M~ga Bin~gi", ay maliwanag nang patotoo na ang tagumpay ay nasa kanya na.

At sa bisa ng paniwalang ito ay kung kaya nasukat ko at napagabot ang kahalagahan ng akdang ito ni Arsciwals. Nakikinikinita kong sa likod lamang ng maiksing panaho'y lubos nang mawawala ang dito'y inilarawan ng may akda, at dahílan dito'y ¿ano at bakit nga di magkakahalaga ito sa ang akdang ito'y magiging pangpagunita sa kalunoslunos na kahapon ng suliraning manggagawa rito?

Kung sa pagtunghay mo ng mga akdang paris nitó ay wala kang ibáng nais kungdi libañgín ang iyóng kalulwa sa mga pangyayaring tinatawid ng dalawáng pusong nag-iibigan; dalhin ang panimdim sa silíd na pinaglalaguyuan ng mga kalulwang pinagtali ng pag-ibig; mabatíd ang mga hiwaga ng pagmamahalan ng magkasi na karaniwang ibinubuhay ng ating mga mañgañgatha; kung iyán lamang ang iyong hañgád, ay huwag ka nang magpatuloy ng pagbuklat sa mga dahon ng kathang itó, pagka't pananaktan ka lamang ng ulo at maaaksayahan ng panahón: ang aklat na itó'y hindi makatutugon sa iyóng pita.