Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Hunyo 9, 2025
Kaninang hapon, samantalang ang lahat at bawa't isa sa m~ga manggagawang nagsiaklás ay nagkakapulong at pinaguusapan namin ang m~ga pangyayaring hinaharáp, at samantalang inaasahan namin ang tagumpay na di malalaon n~g m~ga adhika namin, ay naririto, at sa pagawaan, ay nagsipasok ang ilán, sa ilalim n~g pan~gun~gulo naman ni Pablo, isang manggagawang may kinalalagyang pagawaan, na nahikayat mandin n~g Tagapamahala n~g pagawaán, at ito naman ang siyang humikayat sa iba.
Walang ginawa ang marami kundi sa pintuang pinagmamalas na lagi ay ipako ang m~ga mata, at nang wala ring makitang anoman ay agad na binawi ang m~ga panin~gin upang sa m~ga kalipon ay ibaling. ¿Anó ang hinihintay n~g m~ga manggagawang ito? ¿Anóng bagay ang kanilang kinasasabikang malaman? ¿Ano't sa mukha n~g lahat ay nababadha ang malaking pagkainip?
Huwag nating isipin n~gayon ang pagpapadának n~g kahi't iisang patak na dugo n~g ating m~ga kapatid din; hindi natin kailan~gan, at kailan~gan man natin ang gayon, ay hindi natin magagawa nang may kapakinaban~gan tayong tatamuhin. ¡Para sa m~ga manggagawang pilipino, ang araw na iyan ay hindi pa dumarating; hindi pa n~ga, at lubhang napakalayo pa!
M~ga manggagawang gaya ni Pablo ay marami pa at di hamak na malilipol sa Pilipinas. =Tatlong= araw ang lumipas buhat sa huling m~ga pangyayari. Ang aklasan ay patuloy, at ang pagawaan ay hindi pa rin pinapasukan n~g sino mang manggagawang tabakero.
N~guni't bago banggitin ang ilang pangyayari ay kailan~gan munang sabihin na, sa loob n~g "Masonería," ayon sa kaniyang palatuntunan, ay di tinatanggap ang m~ga manggagawang hamak, na ang kabuhaya'y "isang kahig, isáng tuka"; pagka't upang maging "mason," isa sa m~ga pan~gunahing kailan~gan ay ang ikaw'y may sapat na kinikita upang buhayin ang iyong asawa't m~ga anak at may kaunting halagang nalalabis, na isasagot sa m~ga pan~gan~gailan~gan n~g kapatiran at maiambag sa sinomang kapatid na nasa sa isang kagipitan.
Sa gayon ay maipakikilala natin sa haráp n~g kahit sino, na kung sakali mang may m~ga manggagawang pilipino na walang hinaharap ni sinisikap kundi ang kagalin~gan at kapakanang sarili, ay mayroon din namang hindi, at isinasailalim ang m~ga kagalin~gang sarili sa kagalin~gan na marami; kaya, Mauro, paghusayin ang iyong loob ...
Makikita rin natin, na ang magiting na ito, ay bukod sa di na kahahabagan man lamang sa kinasapitang palad ay aalimurahin pa; itatakwil at pawawalang kabuluhan sa haráp man n~g marami. Kaya n~ga m~ga kapatid; ¡saka ná! ¡Saka ná, kung makilala n~g m~ga manggagawang pilipino ang tunay niyang karapatan!
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap