Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 29, 2025
Sa bakás n~g yapak n~g kadalagahan ang lumagdang isip nito'y nag-aalay n~g munting gunita na kunang ulirán yaon kay Marcela't kay Dalmaciang búhay. Kung baga sa isang Araw na sumikat ay dí nan~gulimlim ang pagliliwanag buhat sa mulâ pa n~g pagkakalapat n~g kanilang dibdib na parang sinukat.
Hangád niya'y pilak, kahi't man~gulimlim ang dan~gál ni Tuníng na sinta ko't giliw; wala sa gunitang lalong mahalagá sa yaman mang alín ang dan~gál n~g tao kung lubháng maningning. ¡Oh, taksíl na pita sa dan~gál at yaman, ang nililikha mo'y laksang kamatayan; kung hindi sa iyó, disi'y kapiling ko si Tuníng n~g buhay at kasalosalo sa pinggán n~g lumbay!...
Ang mukha niyang datidati'y pinaaaliwalas n~g nagtatamisang n~giti na malimit mamilaylay sa kanyang mayuyuming labi, nang hapong yao'y pinapan~gulimlim n~g isang kalumbayang tinutugunan sa puso n~g mapapait na tibukin. Ang m~ga balintataw niyang may kislap n~g tala ay nagmistulang alitaptap na bahagya nang makagitaw ang liwanag sa sun~git n~g kapighatian.
Ako ang pulubing sa tinawag-tawag ay lalong inapi... binigyang bagabag...! Di ko akalaing ang lan~git n~g puso ay man~gun~gulimlim... biglang maglalaho, di ko akalaing sa likod n~g samyo n~g m~ga sampaga'y may lihim na suro...! Animo'y nagtikom sa gayong sandali ang pintong maramot n~g awa't lwalhati, sa aki'y para nang ang kahilihiling sinag n~g ligaya'y lumubog, napawi...!
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap