United States or Egypt ? Vote for the TOP Country of the Week !


Nicandro, ang ayon n~g kapiling. at ito po'y hindi na kutob lamang n~g loob, kundi isang katotohanan nang itinatalampak n~g m~ga pangyayari sa ating m~ga mata. Ako rin ang may kasalanan, kung sa bagay, sa ganitong aking napagsapit, ang wika pa n~g manggagamot habang nagkukumamot halos ang kanilang kabayo. ¿Bakit po?

Ang sulat na ipinahatid ni Manuel kay Enchay ay talagáng iisa nga. Ang dalawang hindi niya makuro kung saan nagbuhat ay gawa ng isang binatang taga Batangan na nangingibig kay Edeng. Isang buwan muna bago nalipat ng bahay sina Manuel, ang binatang iyon ay lumipat din sa bahay na kapiling ng tinitirahan nina Edeng at parang nahalinang inakit ng ganda nito sa gawang pag-ibig.

Ang lahat na nakaalam n~g pagkamatay ni matandang Tacio ay malungkot na nagbibilang n~g araw, at n~gayo'y ikaapat na araw na magmula n~g ilibing ang nalunod. Ang balo n~g namatay sanpon n~g m~ga kasuyó ay naghahandaan upang ipagparasal n~g gabing yoon, kaya, n~ga't nagkatipon sa bahay n~g namatay. Na roon na ang Kapitan, ang Directorcillo, ang Paré, at ang m~ga Cantores ay nagdasal n~g responso, sampon n~g m~ga manang at ang lahat na doroon. Nang matapos ay pawang inanyayahan sa paghahapunan at dina n~ga naluatan at nalilikmo nang lahat sa paligid n~g isang mahabang dulang na kina hahainan n~g mabubuti at masarap na pagkain na ang litson at tinolang manok ay kapiling n~g patis na may dayap at n~g salaang maasim asim. Nang malapit na ang pagkatapos n~g paghapon ay napansin n~g lahat ang isang tinig na nagbubuhat sa gawing itaas n~g palupo na tapat n~g dulang. Ang lahat ay na patin~galá at doon n~ga'y nakita ang duyang may nakalawit na isang paa. Marami ang nagulat at tumakbó, lubh

Hindi niya maaaring di ipaalam kay Leoning ang ganito sapagka't si Leoning ang tanging kanyang inaasahang makapagpapaligaya sa kanyang buhay. Si Leoning ang dalagang hindi nawawala sa kanyang gunita, di niya maaaring kalimutan. Maging sa pagkain man ay nais niyang laging kapiling kung mangyayari lamang sana. Nais niyang lagi silang magkakasalo sa dulang.

Sa gayong kandungan ng mga ligaya't pangarap ng mga pusong nauuhaw sa pagsimsim ng kaligayahan at katamisan ng buhay, para sa kanya ay isang ulap, lalo't kung hindi niya kapiling ang kanyang minamahal ng lalo't higit sa buhay: si Eduardo. Halos hihirang tugtog ang hindi niya nasayawan at laging nakukuha siyang pareha ng mga bago niyang kakilala.

Hangád niya'y pilak, kahi't man~gulimlim ang dan~gál ni Tuníng na sinta ko't giliw; wala sa gunitang lalong mahalagá sa yaman mang alín ang dan~gál n~g tao kung lubháng maningning. ¡Oh, taksíl na pita sa dan~gál at yaman, ang nililikha mo'y laksang kamatayan; kung hindi sa iyó, disi'y kapiling ko si Tuníng n~g buhay at kasalosalo sa pinggán n~g lumbay!...

Si Tirso, na nang gabing iyo'y napanibaguhan n~g malaki ni Elsa dahil sa m~ga kilos at pananalitang kung tayahi'y parang nagpapahayag na ang mestisang ito na lamang ang tan~ging naghahari sa kaibuturan n~g puso niya; pagkarinig sa gayong pagbanggit n~g tungkol sa ilaw ay malamyos na bumulong sa kanyang kapiling. ¿Bakit, Elsa, iniino mo pa ang pakawalang ilaw? anya. ¿Nadidimlan ka ba sa piling ko?

At ang paraang dapat kong gamiti'y ang lunurin siya sa galak, lasin~gin ang puso niya sa alak n~g aliw at kung mangyayari'y suubin ang kaluluwa niya n~g kamanyang n~g ligaya, hanggang sa pumaimbuyog sa lawak n~g pan~gan~garap ang kanyang diwang kapatid n~g m~ga salamisim, ang wika pa ni Elsa, habang tanggap siya n~g tanggap sa bawa't putaheng sa kanya'y idulot n~g makatang kapiling.

Samantalang ako'y tumatawag-tawag, lumuluha-luha sa gitna n~g hirap, ay walang kapiling maging sa pan~garap liban sa anino n~g m~ga bagabag. Ulap n~g hinagpis, ulap n~g parusa ang nagpapasasang aking dinadama, n~guni't kaylan kaya sa aking pagsinta'y ang ulap na iya'y magiging ligaya. Ayun, tumatan~gis! Ayun, lumuluha't tumataghoy-taghoy na nakaaawa.

Ang mga mata ko'y aking pinagala sa loob ng dulaan, at ¡oh, anong pagkakataon! Sa palkong kapiling ng aking kinalalagyan ay may namasdan akong isang babaeng himala ng ganda. Sa biglang pagkakita ko'y hindi ko nakilala kung sino, datapwa't nang aking titigan ay nasayahan ang aking pusong kung ilan nang taong hindi hinihiwalayan ng lungkot at nanariwa sa aking gunita ang nakaraang panahon.