United States or Sint Maarten ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ano kaya ngayon si Leoning? Naaalaala rin kaya niya ako paris ng ginagawa kong pagaalaala sa kanya? ang madalas nasa pagiisa'y naitatanong ni Eduardo sa sarili. Oh! ang puso nga namang nalalayo sa sinisinta! Para kay Eduardo ay lalo't lalong nananariwa ang pagkasabik na kanyang makita si Leoning. Kaya't madalas niyang masabi sa sarili: Huwag nawang maglalaho ang kanyang sumpa!
Samantalang sa kabilang dako naman, si Leoning ay siyang sulo sa piling ni Eduardo, siyang liwanag at tanging aliw ng puso. Para kay Eduardo ay isang maulap na langit ang titiisin niya kung wala si Leoning. Kung maglalaho si Leoning ay isang libingan, isang yungib na di man lamang inaabot ng sikat ng liwanag, isang langit na wala kahit isang bituin. Kaya mauulit ngang magbalik ang lahat!
Sapagka't nakayapak ka na sa mga matataas na lipunan at mga sociedad, ay maglalaho na ang dating maningning mong ugali? Nahan ang kayumian mong dangal na lahi, na, nang mapasama ka at mawiling makipiling sa mga taong tanyag ay nagbago ka? Leoning gunitain mo man lamang kahit minsan ang iyong kahapon! Kaawawang Eduardo! Binatang umaasang may maningning na tagumpay, na hinaharap sa araw ng bukas.
Salita Ng Araw