United States or North Korea ? Vote for the TOP Country of the Week !


At magmulá rito'y aking nakikita sa baníg n~g hirap ay nagiisa ka; waláng dumadamay, at kung pumapasok ang mahál mong amá sa iyóng pagdaíng ang tumbás ay mura. Naririníg ko ring kanyáng inuulit ang pagalipusta sa palad kong amís: ¡sa aba n~g dukha!... at nananariwa sa puso ko't dibdíb ang pagtabóy niyáng kapaita'y labis.

Lalo at lalo ba waring sa puso niya ay nagsisidhi ang maalab na nasa na hwag limutin ang kanilang kahapon ni Leoning na di makatkat sa kanyang puso at alaala. Makailan nang tangkain ng ating binata ang gawang lumimot datapwa't lalo at lalong sa damdamin niya ay hindi malimutan. Hindi malimutan ang lahat, bagkus nananariwa sa kanyang puso na ang mga nakalipas ay gunitain.

Ano kaya ngayon si Leoning? Naaalaala rin kaya niya ako paris ng ginagawa kong pagaalaala sa kanya? ang madalas nasa pagiisa'y naitatanong ni Eduardo sa sarili. Oh! ang puso nga namang nalalayo sa sinisinta! Para kay Eduardo ay lalo't lalong nananariwa ang pagkasabik na kanyang makita si Leoning. Kaya't madalas niyang masabi sa sarili: Huwag nawang maglalaho ang kanyang sumpa!

Oo, sapagka't hindi ka bibili ng hindi masarap at ang masarap sa iyo ay masarap din sa akin. Katatapos mo pa lamang mag-salita'y siya namang pagpaparinig ng banda ng isang mainam na opera. Habang pinakikinggang ko ang tugtuging iyon ay parang nananariwa sa aking gunita ang mga pangalan ng operang akin nang napanood at naalaala kong yao'y ang "Sandugong Panaginip".

Hindi niya nababatid ang lihim ng puso ng sawing palad na binata. Kaya para sa ating binata ay kahit na yata siya saan dalhin ay wala ng makakalunas sa dinaramdam niyang sakit sa puso kundi ang limutin at waling lubos sa alaala ang kanilang naging buhay ng suyuan ni Leoning. Datapwa't makalibo na yatang kanyang pinagtangkaan walin sa diwa ay lalo naman yatang sa puso niya ay nananariwa.

Ang mga puso ay katulad ng mga bulaklak. Ang pusong umiibig na uhaw sa lingap ng kanyang paraluman ay pusong uhaw sa biyaya ng kanyang langit na katulad ng mga bulaklak na waring nakangiti sa bawa't patak ng sariwang hamog. Katulad ng mga dahon ng kahoy na anyung nalalaing na sa patak ng hamog ay pamuling nananariwa, na, tulad ng isang pusong nauuhaw naman sa katamisan ng ngiti ng dalaga.

Salita Ng Araw

lumuhód

Ang iba ay Naghahanap