United States or Georgia ? Vote for the TOP Country of the Week !


At námamalas ko, ang lubháng masakláp, luhang mapapaít sa matá mo liyág, di anóng gagawín sa itó ay utos n~g masamáng palad pawang pagtitiís ang gawíng kalasag. Ibalita lamang sa tapát mong giliw kung makaraan , sa gabíng madilím, upang matalós ko kung ano ang bun~ga n~g pagsinta natin at kahi't malayo'y kapalaran ko rin.

Tugon n~g pulubi'y «Inyo pong kilanlin at ito ay isang kamaganak mo rin ...» yaong bagong kasal, di na nakabata't inagaw nang tambing; «¡Ito ang anak ko, at tunay na supling!...» Tuloy hinimatay; luhang mapapait ang sa kanyang pisn~gi, pagdaka'y dumilig; lahat ay nagulo't nang mahimasmasan, mata'y itinirik: «¡Patawad Osong ko, sa nagawang lihis!...

Salamat na lamang at ang isa ay para namang nasiyahan na sa nangyari kay Tirso, kung kaya't pagkaraan n~g m~ga, sampung minuto sa pagbubuklat n~g ilang aklat na kanyang natunghan sa sulatan, ay nagpaalam na't di umano'y may lalakarin siyang bagay na mahalaga sa bahay n~g isa pang kasama. Pagkaalis ni Martinez ay sarisaring mapapait na gunitain ang sumilid sa panimdim n~g makata.

Ang kapayaang naghahari doon ay ginagambala n~g kanyang pagtaghoy: «¡Ay, sawi kong palad!...» wikang naghinagpis saka idinugtong «¡buhay n~g buhay ko, patawad oh, poon!...» At bago tumayong yumakap sa kurus, luhang mapapait sa mata'y nanagos, matimyas na halik kanyang iginawad saka naghimutok «¡Tuning n~g buhay ko, tanggapin mo irog!...

Wala na at hindi na yata pamuling magbabalik ang kanilang kahapong nagdaang lipos ng kaligayahan at pangarap. Si Leoning nga naman! Nawala na nga kaya sa alaala ni Leoning ang lahat? Diyata't nilimot niya ang sumpaan sa pagibig? Kaya ngayon ay walang bumabagabag sa damdamin ni Eduardo kundi pawang mga mapapait na gunitain sa buhay!

Ang mukha niyang datidati'y pinaaaliwalas n~g nagtatamisang n~giti na malimit mamilaylay sa kanyang mayuyuming labi, nang hapong yao'y pinapan~gulimlim n~g isang kalumbayang tinutugunan sa puso n~g mapapait na tibukin. Ang m~ga balintataw niyang may kislap n~g tala ay nagmistulang alitaptap na bahagya nang makagitaw ang liwanag sa sun~git n~g kapighatian.

Natapos na ang lahat at ang katapusan ng kaligayahan ay kapaitan naman. Dumating na ang tadhanang kanyang kaaliwan: ngayon ay tapos na ang lahat. Ngayon ay sa ibabaw ng libing ng kaawaawang si Daniel Perez, ay nakahimlay ang kaawaawang si Leonora na walang bumubukal sa mga maamong matang nangungulimlim kundi ang mapapait na luha.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap