United States or Saint Pierre and Miquelon ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ito,i, nanibugho,t, acala,i, ninibig yaong si Hortensio sa cay Eduvigis, at sa salitaan siya ay lumapit catulad nang isang tauong ualang bait. Nag-uaualauala,t, nang di mahalata ang lihim na galit na taglay nang diua; n~guni,t, sa caniyang quilos at salita ang sucal nang puso,i, mapag-uunaua.

Sapul pa n~g ikaw ay batang maliit may tungkulin ka n~g lubhang mahihigpit, gaya n~g huag bigyan n~g munting ligalig ang kawawang inang sa iyo'y ninibig. Ikaw ay lumaki at lumaki naman ang iyong tungkuling akin n~g tinuran: n~g una'y ang iyong mundo ay kandun~gan n~g inang malugod, n~gayon ay ang bayan.

Ang m~ga labi mo ay dalawang lan~git, Lan~git-na di bughaw, ni lan~git n~g hapis, Labi n~g bulaklak na kapwa ninibig Labing mababan~go, sariwa't malinis. Labi n~g sampagang may pait at awa, Tipunan n~g pulót, tamis at biyaya, Sisidlang ang lama'y kaban~guhang pawa, Pook na tipanan n~g hamog at diwa.

Romeo'y sa bugso n~g touáng dinamdam inagao ang sulit n~g mut-ya at búhay, "sa toui-toui, na ualang gunam gunam cun di ang sumapit arao mong tinuran; Pagcat ang dalan~gin n~g isang ninibig hangaha'y abutan n~g ticang malinis, pagcat caniya ito't lualhati n~g lan~git samantalang buháy sa bayan n~g hapis."

Lalong nagibayo, lagablab n~g poot, ang daing at sumpa'y di malagotlagot «¡Inang walang puso, Tuning na nagtaksil sa anak n~g irog dapat kang mamatay, dapat kang matapos! Diyata't masarap sa puso'y matamis anak mo'y pataying sa ilog ihagis, maturan na lamang ikaw ay dalagang may puring malinis, nang upang giliwin n~g bagong ninibig.....

Ang patak n~g ulan ay awa n~g lan~git, lihim na biyaya sa m~ga ninibig, laman n~g panulat sa m~ga pag-awit, sariwang bulaklak sa pitak n~g isip. Kung ang tan~ging Musa'y may tampo sa akin at ayaw sumunod sa aking paggiliw, ang patak n~g ula'y sukat ang malasin upang ang lira ko'y sumuyo't sumaliw.

«¡Nagtampó na namán!...» «¿Sino bagáng puso ang makababatá n~g asal mong liko?» «¡Huwag kang magalit! ang ginagawa ko, ay m~ga pagsuyo ...» «Pagsuyo sa iyó; sa aki'y panghapo ... Ikáw ang bahala, ako'y mapagtiís at ipatay mo mán ang lahát n~g sákit ay tatanggapín ko; n~guni't ang hiyain, ang isáng ninibig libong kamataya'y labis pa n~g tamís ...»

Sa sariling loob nang bagong ninibig, ay nacatagpo rin siya nang mainit; aco,i, antain mo, ang ipinagsulit, ang ama,t, ina co,i, baca naiinip. Itong sa cay Fidel na man~ga magulang ay lubhang sagana sa lahat nang bagay, dalaua ang bun~ga nang pag-iibigan dalaga ang isa,t, bagong sumisilang.

Nguni't saglit pa lamang ang nakararaan ay binayo na ako ng dusa; oo, sapagka't napuna ko na ang iyong kapiling sa upo'y isang lalaking balingkinitan ang katawan at maganda ang tindig ... ¡Anong lungkot ng dumalaw sa aking kaluluwa ...! Ang mahahayap na palaso ng panibughong mapapahirap sa taong ninibig, ay sunodsunod na tumimo sa aking puso at dahil dito'y sinumpa ko ang muli kong pagkakita sa iyo.

Dahil sa alám kong panitik ay básal kung isulat ko pa'y sumasalagalsál kaya't balang letra'y mayrong kalabûan: bahálang puntero n~g babasang pahám. ¡Bayan ko'y malasin! ang pagsusumakit n~g bawâ at pahat sa iyo'y ninibig sukdang salsal, pulpól ang aking panitik di nag-alinlan~gang sa pula'y mabulid. =Pantaleon S. Lopez.= Kung sinong Apô-Apô.

Salita Ng Araw

matitimbuang

Ang iba ay Naghahanap