United States or Solomon Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Napaghalata niya na ang kasama ay may kabataan, payat, putlain, nakakapote na walang baro sa katawan at wala ni gora. Ng makapasok na ay tumigil na walang kibo at nakatungo. Inisip ni Matrena. Suwitik ito, nahihiya pa, naghihintay ng mangyayari. Nag-alis ng gora si Semel at umupo sa bangko na parang isang batang mabait. Oy, Matrena, aniya pahahapunin mu ba kami? Hindi pa ako kumakain.

Iniunat ang kanyang paa, at nagsabing kung gayon ay sukatan mo ako, ang paa ng barini ay napakalaki na nangailangang gumupit pa ng ibang papel bagaman ang una ay napakalaki na. Sinukat ni Semel ang talampakan, ang ibabaw ng paa at saka sinukat ang binti; nguni't ang papel ay hindi nag-abot na maigi, ang binti ay napakataba.

Ang mga bata ay naglalaruan at nangaghahagaran sa mga bangkong malapit sa mga dungawan. Si Matrena ay nagpapainit ng mga bakal na pambaluktot; si Semel ay may hawak na pambutas; at si Mikhail ay nagtatapos ng isang takong.

At napag-unawa nga ni Semel at ni Matrena kung sino yaong kanilang binihisan at pinakain at kung sino yaong kasama nila. Sila'y napaiyak sa kagalakan at katuwaan, at ang anghel ay nagpatuloy ng pananalita: Ako'y nanatiling mag-isa at hubad na nasa daan. Nuo'y hindi ku pa kilala ang anumang kahirapan ng tao, ang ginaw o ang gutom man.

Kailangang umuwi tayo ng bahay. Eto ang aking tungkod, iyong tungkurin kung nanghihina ka; hala, tayo na. At ang lalaki ay lumakad at di naiwan. Sila'y magkasabay at nangusap si Semel. Tagasaan ka? Hindi ako tagarito. Kilala ko ang mga tao sa lupang ito; eh, bakit nasa likuran ka ng simbahan? At ang tugon ng kasama: Hindi ko masabi. Ikaw baga'y hinarang?

Si Semel ay napataka; si Mikhail ay hindi nanunungaw kailanman at ngayo'y nakikita niyang nakadukwang. Si Semel ay nakidungaw rin. Kanyang nakita nga, na may isang babaing lumalapit, na maigi ang pagkabihis at may kasamang dalawang batang babae na nangababalabalan ng katad at nangakapamindong sa ulo ng panyong lana.

Habang kinukunan ng sukat ni Semel, ay lilingap-lingap ang barini sa lahat ng dako. Namataan si Mikhail. Sino ito? ang tanong. Siya kong manggagawa ang sabi ni Semel. Magpakaingat ka! Dapat magluwat ng isang taon. Tinignan ni Semel ang pagkatungo ni Mikhail at kanyang nahalata na wala sa loob nito ang barini , kundi nakatingala siya sa ulunan ng barini na parang may nakikita siya.

Pagkatapos na maitago ang tinapay, ay naupo si Matrena sa siping ng dulang upang magsursi ng baro ng kanyang asawa; nananahi at inaalala si Semel, na namili ng katad. ¡Baka madaya pa ng maytinda! Napakahangal ang asawa ko. Siya ang di marunong magdaya kaninuman at napadadaya maging sa bata.

Gumagabi na at ang magsasapatos ay nagkantitignan. Anong naroon? Wala namang batong maputi. Baka ba kaya, yaon? Hindi, hindi mandin baka. Ayon sa ulo ay tila isang tao; nguni't bakit maputi? At bakit magkakatao rito? Lumapit si Semel at lubos nalinawan! Katakataka! Tao nga; buhay o patay? Nakaupo, na hubad; nakasandig sa pader ng simbahan, hindi gumagalaw.

Gayunman, hindi ako makapaghuhubad upang bihisan ko siya, upang ipagkaloob ko sa kanya iring tanging suot. Magtutumulin ako. At dinalas ang hakbang. Pagdaka'y napatigil sa daan, Anong inaasal mo sa sarili. Anong gagawin mo? Namamatay ang isang tao at iyong kinatatakutan at nilalayuan. Mayaman ka na ba kaya? Natatakot ka bang mawalan ng kayamanan? Ano, Semel, ito'y hindi magaling.