Ang isa pang casam-an noon ay ang di icatulog nang tauo, na caya nanghihina siya; bucod dito ang may sipón ay marahil aayao cumain, at yaon ang isa pa manding nacagugulo sa catungculan nang sicmura.

Cun minsan ang color noon, ay susugat, na ang color ay morado. Cun minsan naman binubuculan ang sin~git, ang quiliquili, ó ang dacong tayin~ga. Ang maysaquit ay nanghihina pa mandin; ang bait niya,i, nagugulo; tihayá ang caniyang lagay; at namamatay na may pauis na malaqui. Cun minsan ang iquinamamatay niya,i, ang siya,i, binabalin~goyn~goy nang malacas.

Para bagá bilang na napipilitan yaong pagbulusoc n~g casacunaan, at ayaw umulat nang nan~gamamayan ang matá, sa samang dapat na ilagan. Niyong masabi na sa cay Margarita ang tantong mapalad na pagpanaw niya, sa Mundo, ay tunay na nanghihina na sa higpit nang man~ga pag-pepenitencia.

Ang maysaquit hindi manabi minsan man; ang tiyan niya ay nauunat; hindi ungmiihi, at cun baga ungmiihi, ay malabo,t, mabaho. Ang pulso ay matigas muna; cun malauo,i, madalas at munti; ang maysaquit ay nanghihina; nasisira ang bait, at nagsisin-oc; ang boong cataoan niya,i, cungmiquinal, ó ga nanlulucso ang laman.

Ang nagcacasaquit nang ganitong saquit, ay nalalagnat cun gab-i, ang camay ay quinig at mainit ang palad; pag-guising nang may catauan ay may pauis na malaqui, at totoo siyang nanghihina; masaquit ang ulo, mahirap ang paghin~ga, hungma-halinghing, at nauuhao siya; macati ang balat nang catauan; ang caniyang dila ay maputi, ang caniyang pulso ay madalas, puno at matigas; cun babayi ang maysaquit cun minsan inuurun~gan siya nang gatas.

Ang taong kung lumalakad ay tila nanghihina ang tuhod na napapasulong ang katawan at ulo sa paglakad na tila may nagtutulak sa harapan at sa likuran ay m~ga taong may ugaling pagkababae at walang iniibig kundi ang sarili katulad ni Narciso sa Mitolohiya; m~ga taong han~gal.

Si Kadiliman ay malungkot may taling panyong puti sa ulo, palaging napaghihiló dahil sa sakit na taglay, na ayon sa sabi n~g m~ga medico ang sakit na itó ay, nabubúlok ang pusô, kaya nanghihina, kung kaya naman napaghihiló nabúbugok diumanó ang utak; nakahilig sa isang mainam na luklukan si Kadiliman, palaging nakatin~gala't pinag-iisip ang kahapis-hapis na buhay na kanilang napagsasapit na mag-anak; nakasanglâ halos ang boong kabuhayan sanhî sa pag-gugol at pagkakándido, at sa taglay na karamdaman.

Ang nagcacasaquit nitong masamang bagay na pag-iilaguin, ay nanghihina agad; guiniguinao siya cun minsan; ang marahil idinaraying nang man~ga maysaquit ay ang sicmura, na di man masaquit, ay tila siquip na bahag-ya na sila macahin~ga; marahil nasisira ang canilang ulo. Ang tiyan cun minsan ay sungmasaquit, cun minsan hindi; ang isinusuca nila ay verde ang color.

Ang lalong matibay na catauan ay nanghihina, nagcacasaquit at cahit batang bata ay tumatanda,t, dumadali ang buhay pag nagiinom nang alac.

Kailangang umuwi tayo ng bahay. Eto ang aking tungkod, iyong tungkurin kung nanghihina ka; hala, tayo na. At ang lalaki ay lumakad at di naiwan. Sila'y magkasabay at nangusap si Semel. Tagasaan ka? Hindi ako tagarito. Kilala ko ang mga tao sa lupang ito; eh, bakit nasa likuran ka ng simbahan? At ang tugon ng kasama: Hindi ko masabi. Ikaw baga'y hinarang?