United States or Turkey ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang saquit na pinan~gan~ganlang miserere, ó pasión iliaca, na yao,i, pagsasara nang man~ga bituca, na dahil doon, ay hindi manabi ang maysaquit, cundi isinusuca niya ang lahat. Ang bituca nang tauo ay ga cung-miquiyao na parati, na ang camuc-ha ay ood ó ahas; na dahilan dito sa ganitong pagquiyao ang lahat na quinacain ay natutulac sa dacong pouit.

Ang pagsuca nang dugo ay masamang saquit, sapagca bucod doon sa dugong isinusuca, ay mayroong ibang dugo, na napapahulog sa man~ga bituca, at yaon ang iquinapag-iilaguin nang may catauan nang masamang pag-iilaguin. Ang gagauin sa ganitong saquit, ay ang man~ga tali sa paa,t, camay, at ang baños sa malacucong tubig hangan tuhod. Saca sumpiting parati ang may catauan.

Ang nagcacasaquit nitong masamang bagay na pag-iilaguin, ay nanghihina agad; guiniguinao siya cun minsan; ang marahil idinaraying nang man~ga maysaquit ay ang sicmura, na di man masaquit, ay tila siquip na bahag-ya na sila macahin~ga; marahil nasisira ang canilang ulo. Ang tiyan cun minsan ay sungmasaquit, cun minsan hindi; ang isinusuca nila ay verde ang color.

Ang may cataua,i, hindi mapalagay; cun minsan mayroong nahihipong matigas na mahaba doon sa tiyan; ang maysaquit ay dungmuroual muna; hung mahalili doon ang pagsuca; cun malauon ay ang lahat isinusuca niya, hindi lamang ang quinacain cundi pati nang iniinom, at bucod doon ay mayroong lungmalabas sa bibig na mabaho pa sa dumi.

Cailan~gang purgahin ó pasucahin ang tauo, cun mapait ang caniyang bibig; cun ang dila pati nang n~gipin ay marumi; cun mayroong masaquit sa tiyan, ó sa sicmura, na yao,i, han~ging nacuculong doon, na ang pan~galan nang castila sa gayo,i, flatos: cun ang may catauan ay nanab-ang nang pagcain, ó cun naiibig niyang sumuca; cun ang isinusuca niya,i, mapait; cun tila may mabigat sa sicmura, sa bayauang at sa tuhod; cun hindi malacas na para nang dati ang caniyang catauan; cun sungmasaquit ang ulo, ó cun nalilio ang may catauan, ó cun siya,i, nahihilim; cun hindi husay ang caniyang pananabi, na cun minsan malabnao at marami cun minsan caunti at matigas ang inaiilaguin niya; cun ang pulso ay mahina at hindi lubhang husay na para nang dati.

Cun ang saquit ay naroroon sa sicmura anomang canin ó inumin n~g maysaquit ay isinusuca niya; hindi siya mapalagay; nasisira ang bait, at sa loob nang ilang arao ay namamatay. Itong cólico ay dala cun minsan nang cainitan nang dugo.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap