United States or Belgium ? Vote for the TOP Country of the Week !


N~guni cun minsan ang saquit ay malaqui pa sa sinabi co n~gayon. Ang may cataua,i, guiniguinao muna nang malaqui; sungmusunod sa guinao ang isang malaquing init at ang saquit nang ulo, at hang gang di lumitao ang culebra , ay parating ibig sumuca ang maysaquit. Pagca sibol nang culebra na yao,i, sa icalaua ó sa icatlong arao, ay ungmuunti ang lagnat at hindi na ibig sumuca ang maysaquit.

Guiniguinao ang maysaquit; nalalagnat siya nang malaqui, masaquit ang ulo, at ang ihi ay mapula. Datapoua cun ang namamaga ay ang naroong malapit sa dinaraanan nang hinin~ga nang tauo, ang paghin~ga ay mahirap, hindi tahimic ang maysaquit, at tila nahuhunghang; ungmaabot cun minsan ang saquit hangan sa baga, at namamatay ang tauo.

Guiniguinao muna ang maysaquit, hungmahalili ang lagnat, ang pag-uubo, ang casiquipan nang dibdib; ang pagsaquit nang ulo, at ang bahag-ya na macahin~ga ang maysaquit; ang marahil idaing nang pinipleuresía ay ang matigas na saquit nang man~ga taguiliran nang dibdib sa ilalim nang susó, at ang canang taguiliran ang malimit sumaquit; cun minsan nama,i, alin mang lugar nang dibdib ay sungmasaquit.

Ang nagcacasaquit nitong masamang bagay na pag-iilaguin, ay nanghihina agad; guiniguinao siya cun minsan; ang marahil idinaraying nang man~ga maysaquit ay ang sicmura, na di man masaquit, ay tila siquip na bahag-ya na sila macahin~ga; marahil nasisira ang canilang ulo. Ang tiyan cun minsan ay sungmasaquit, cun minsan hindi; ang isinusuca nila ay verde ang color.

Pagca nalauon nang gayon nang ilang arao, ay guiniguinao muna ang maysaquit; hungmahalili dito ang isang init na salabsab.

Caya lamang nagcacasaquit ay cun ungmuunti ang cainitan nang panahon; na dahil doo,i, marahil dumaan ang saquit nang pag-iilaguin sa bagong ulan, na sungmusunod sa tagarao. Bago magcasaquit nang gayon ang tauo ay guiniguinao siya muna; sungmasaquit na totoo ang tiyan; nalilio siya at namumutla.

Caya mahahalata nang tauo na malapit na siyang magcasaquit, cun hindi siya malicsi, ó masipag na para nang dati; cun nananab-ang nang pagcain; cun masaquit-saquit ang sicmura; cun madaling mapagod, ó cun mabig-at ang caniyang ulo, ó cun mahaba ang tulog, datapoua,t, hindi mahimbing; cun siya,i, ga namamanglao, at masaquit nang caunti ang dibdib; cun inurun~gan nang pauis, ó cun madali siyang pauisan; cun hindi husay ang pagtiboc nang pulso, ó cun siya,i, guiniguinao na parati.

Ang pulso cun guiniguinao ang maysaquit ay munti at matulin; datapoua pagca nalagnat na, ay lungmalaqui, at cun minsan tungmitigas din; datapoua sa ganitong saquit ay hindi lubhang matigas para doon sa lagnat na manin~gas, alintana cun nagcacasama-sama itong dalauang bagay na lagnat, at cun minsa,i, magcasama n~ga: Ang saquit nang ulo ay hindi matiis nang laqui; bucod dito ang maysaquit ay nauuhao; ibig niyang sumuca; at cun minsan ay sungmusuca; ang bibig ay mapait, at caunti ang inaiihi niya.

Ang maysaquit ay nag-uubo muna nang caonti sa loob nang ilang arao, at cun lumacad ay tila masiquip siquip ang caniyang dibdib sa caniyang pagcaramdam; ang muc-ha,i, mapula sa rati; ang ibig niya ay cumaing parati at matulog, at hindi mahimbing ang caniyang pagtulog; pag nalauong ilang arao, guiniguinao siya; humahalili roon ang init; hindi siya lumagay, at lungmalaqui ang casiquipan nang dibdib.

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap