United States or Palau ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun minsan nananab-ang nang pagcain; cun minsan malacas cumain; idinaraying ang sicmura, ó sunmusuca caya cun minsan; hindi manabi siya; datapoua ang marahil dumaan sa man~ga batang gayon ang sila,i, nag-iilaguin nang tila hilao; ang tiyan ay malaqui, at ang ibang cataua,i, yayat; ang maysaquit ay mahina, at ga namamanglao; ang palibot sa mata,i, tila morado ang color; ang muc-hâ,i, nag-iibang parati; ang may catauan nauuhao at cun natutulog, tila naguiguicla; bucod dito,i, nan~gan~galitngit.

Ang pulso ay munti at husay; sungmusunod ang malimit na pagiilaguin na bagay-bagay ang color, at mayroong bulati at dugong casama; cun minsan ang tumbong ay lungmalabas pati.

Itong damo,i, quilala nang man~ga bata, sapagca ang dahon ay canilang pinipirot sa tubig; at ang gatas noon ay lungmalapot sa arauan parang calamay. Ang catauan noon ay gan~ga tingting nang ualis, at namumulupot sa cahoy. Ang bulaclac ay totoong unti at ualang color. Ang ibang puno ay bungmubun~ga, at ang iba,i, hindi. Cun mahinog ang bun~ga ay mapula, at mayroong isang boto sa loob.

Magaling ding budburan nang color na mapula, na guinagamit nang man~ga pintor; datapoua ang lalong madali sa lahat, ay tudluquin nang carayom yaon man~ga lintog ó butil nang culebra sa dacong ilalim nang butil, at ang tubig na lungmalabas, ay pahiran nang isang tuyong damit. Ang man~ga tapal na may taba ay hindi sucat gamitin dito sa saquit na ito.

Ang color nang lungmalabas, ay dilao ó verde, ó maputi caya, ó maitim cun minsan; saca sungmasaquit na totoo ang tiyan; ang pulso ay tila pulso nang nalalagnat; cun malauo,i, mahina. Mayroong maysaquit na sa loob nang sang oras ay maquisandaang mag-ilaguin; ang muc-ha ay madaling nag-iiba cun malaqui ang saquit.

Ang escirro ay isang bagay na bucol, na matigas, na hindi rin masaquit, na casin~g color at casing init nang ibang balat, na anaqui hindi carugtong nang ibang laman, cundi tila nabubucod; datapoua cun quibuin nang camay, hindi ungmuuga para nang man~ga lobanillo. Ang escirro cun minsan ay sungmasama cun malauon, at naguiguing cancro.

Ang maysaquit ay dumurual cun minsan, at nag-iilaguin nang tila madilao at mabaho ang inilulura niya; hindi gaya nang inilulura nang nagcacasaquit nang pulmoníang totoo, cundí madilao sa roon. Ang bibig nang maysaquit ay mapait, hindi pinapauisan siya, tila mayroong siyang nararamdamang mabigat at masaquit-saquit sa sicmurang palibot. Ang color nang muc-ha ay madilaodilao, at tila nag-iiba.

Ang nagcacasaquit nitong masamang bagay na pag-iilaguin, ay nanghihina agad; guiniguinao siya cun minsan; ang marahil idinaraying nang man~ga maysaquit ay ang sicmura, na di man masaquit, ay tila siquip na bahag-ya na sila macahin~ga; marahil nasisira ang canilang ulo. Ang tiyan cun minsan ay sungmasaquit, cun minsan hindi; ang isinusuca nila ay verde ang color.

Cun minsan ang color noon, ay susugat, na ang color ay morado. Cun minsan naman binubuculan ang sin~git, ang quiliquili, ó ang dacong tayin~ga. Ang maysaquit ay nanghihina pa mandin; ang bait niya,i, nagugulo; tihayá ang caniyang lagay; at namamatay na may pauis na malaqui. Cun minsan ang iquinamamatay niya,i, ang siya,i, binabalin~goyn~goy nang malacas.

Sucat umasa ang maysaquit na siya,i, gagaling, pagca ang caniyang pulso ay lungmalacas sa rati, cun ang loob ay tungmatapang-tapang, at ang color nang ihi ay nagsasauli na sa ugali; cun ang ulo ay malinao-linao, cun may pauis na mainit, na hindi nacacahirap sa caniya, ó cun nauauala ang pamamaga nang tiyan, at bucod dito ang pulso hindi na madalas tumiboc.

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap