United States or Burundi ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun hindi nananabing macadalaua arao-arao ang maysaquit, ay cailan~gang sumpiting minsan man lamang touin arao, nang bilin sa número 5; at yaon din ang gagauin cun hindi marami ang inaiihi, ó cun mapula ang ihi, ó cun tila naghuhunghang ang maysaquit, ó cun malaquing totoo ang lagnat, at masaquit ang ulo,t, bay-auang, ó cun ibig sumucang parati.

Ito,i, magaling gauin sapagca nag-iilaguin ang maysaquit nang malimit-limit, dungmarami ang ihi, at ang pagtaib nang catauan. Ang lugar na masaquit ay mabuting pasuin nang ilang paso nang caunting papel sangley na linulon, ó nang laman nang bun~ga nang boboy. Ito,i, gamot tagalog.

Ang inaiilaguin nang may cataua,i, dugong totoo cun minsan; at cun gayo,i, namamatay sa icatlong arao; n~guni cun minsan ay iba,t, iba ang color nang inaiilaguin; ang ihi, ang lauay, ang pauis, pati nang hinin~ga ay mabaho. Cun maliuag macalon-oc ang maysaquit ay mapan~ganib ang caniyang buhay.

Datapoua cun ang inaiihi nang maysaquit ay marami pa sa caniyang iniinom, cun ang ihi ay catulad n~g iniinom, at mainit ang pagcaramdam nang may catauan, at nalalagnat-lagnat nang caonti, ay mabuti purgahin nang bilin sa número 11, ó sa número 38 Magaling din cun minsan ang painumin ang maysaquit nang tubig nang apog sa cabebe número 79 na pinagbabaran nang balat nang camachiles, ó balat nang bayabas, ayon sa turo ni Buchan.

Cun nauauala na ang malaquing catigasan nang pulso, at hindi na lubhang malaqui ang saquit nang ulo, at marami rami na ang ihi niya, at ga mayumiyumi na ang dila, ay magaling-galing na ang lagay nang may catauan.

Ang man~ga sangol, ang man~ga matatanda, at ang man~ga babaying buntis, lalo pa ang nahirapan sa pan~gan~ganac, ay marahil daanan nitong ganitong saquit. Cun baga nagcacasaquit ang tauo nang ganoon, sapagca nagambol, at lungmubay ang dinaraanan nang ihi ay ualang magauang gamot doon.

Cun sa baga mapatun~go, ang maysaquit ay nag-uubong parati at totoong lungmulubha; cun sa sicmura, ó sa bituca manatili, ay ang maysaquit anaqui may cólico; at cun sa pantog nang ihi paroon ang saquit, ay ang acala nang may catauan ay mayroon siyang bato roon.

Saca pagca nacapagnana na ang sibol sa baga, sungmasama pa mandin ang damdam nang maysaquit; parati nang nag-uubo, at sa touing cumibo,i, lungmalacas ang ubo; cun minsa,i, natatacot siyang humiga nang tihaya, at hindi macatulog; saca cun minsa,i, pinapauisan sa dibdib at sa muc-ha; ang ihi ay mapulapula na anaqui may bula, ó lan~gis sa ibabao; mapait ang bibig, lungmulubog ang mata, at cun minsa,i, lungmalabo.

Guiniguinao ang maysaquit; nalalagnat siya nang malaqui, masaquit ang ulo, at ang ihi ay mapula. Datapoua cun ang namamaga ay ang naroong malapit sa dinaraanan nang hinin~ga nang tauo, ang paghin~ga ay mahirap, hindi tahimic ang maysaquit, at tila nahuhunghang; ungmaabot cun minsan ang saquit hangan sa baga, at namamatay ang tauo.

Ang maysaquit hindi manabi; ang ihi ay caunti, mapula, at ang damdam nang may catauan ay mainit cun umihi; ga nan~gin~ginig ang catauan, at lalo pa cun natutulog; cacaunti ang caniyang tulog, datapoua cun tingnan anaqui siya,i, ga naghihilim na parati, ó ga nalilibang ang caniyang loob, na dahil dito,i, hindi namamasdan niya ang guinagaua nang man~ga tauo sa caniyang piling; bahag-ya na pinapauisan siya nang caonsic; datapoua ang caramihan nagcacasaquit nang gayon, ay ang balat nang canilang cataua,i, tuyong tuyo.

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap