Cun nauauala na ang malaquing catigasan nang pulso, at hindi na lubhang malaqui ang saquit nang ulo, at marami rami na ang ihi niya, at ga mayumiyumi na ang dila, ay magaling-galing na ang lagay nang may catauan.

Paiinumin nang marami nang bilin sa número 3. Cun ang pulso,i, malambot na, ang gagauin sa maysaquit ang man~ga turo sa párrafo 383, na sinundan nito. Datapoua cun minsan ay dili cailan~gang pasucahin ang maysaquit. Cun baga malaqui ang catigasan nang pulso, nang bago siyang magcasaquit, ay mabuti purgahin nang bilin sa número 11, capag sinangrahan na.

Ang saquit ay ungmaabot cun minsan hangan bayauang; caunti ang inaiihi nang maysaquit at cun umihi, ay mainit ang caniyang pagcaramdam. Hindi siya macatulog, cun minsan may pagcasira ang ulo. Cun hindi gamutin agad ang maysaquit, ay hindi lubhang dungmaraying cun malauon, na yao,i, masama. Ang pulso ay hindi catigasan; datapoua,t, madalas sa dati.

Isang mabait na babayi sa caharian nang Bélgica ay sumulat sa caibigan niya, na isang matandang lalaqui, na totoong minamahal niya, at pinagnanasaan nang magaling, ay nabubuhay na parang, hindi binyagan, at nilimot na ang Dios, at hinamac ang caniyang caloloua, yayamang tatlong puô at limang taong mahiguit na hindi dumudulog sa Confesion, at ayao nang anomang devocion: at bagaman hindi miminsang inamó nang man~ga caibigang; dapat caalangalan~ganan, at dinatnan naman nang sarisaring sacunâ at hirap sa talaga nang Dios, ay hinamac na lahat, at lumagui sa catigasan nang loob.

Guinoong Alcalde, ang itinutol n~g boong catigasan n~g loob ni Ibarra; cung hindi macabubuhay sa namatay ang capanglawan, lalò n~g hindi macabubuhay ang pagcabilanggô n~g isáng tao, na hindi pa natin nalalaman cung may sala siyá ó walâ. Nanánagot acó sa canyáng calagayan at hinihin~ cong pawal-an siyá, sa m~ga araw na itó man lamang.

Datapuwa't acó ang maghahawac, anang isá, na hindi totoong nagcacatiwala sa anyo ni Bruno. ¡Gayon din sa akin! ang tugón nito, na umaasa sa catigasan n~g canyang camaoo. At nilin~gon ang canyáng capatid at pinagsabihan: Yayao acó, cung matitira icáw. Nag-isip-isip si Tarsilo: canyang sinisinta ang canyang capatid at gayon din ang sabong.

Ualang-ualang ibang dahilan, cung sa aquing acala, cundi ang catigasan nang ulo nang naturang mag-asaua, at ang caayauan nilang maquinig nang mañga matotouid na hatol nang aming Padre Cura, at nang mañga mahigpit na capamanhican sa canila ni Felicitas, na houag bagang papag-aralin nila si Próspero sa Maynila.