Datapuwa't acó ang maghahawac, anang isá, na hindi totoong nagcacatiwala sa anyo ni Bruno. ¡Gayon din sa akin! ang tugón nito, na umaasa sa catigasan n~g canyang camaoo. At nilin~gon ang canyáng capatid at pinagsabihan: Yayao acó, cung matitira icáw. Nag-isip-isip si Tarsilo: canyang sinisinta ang canyang capatid at gayon din ang sabong.

Hinabol cayong dalauá nang anyong aabutan na, ang sabóng caniyang dalá sa lupa'i, inihulog na. Tingnan mo ang carunungan niyong princesang timtiman, naguing isang cabunducan yaong sabóng binitiuan. Hindi nanga nacaraan ang cabayong sinasac-yán, apat na leguas ang lagay niyong inyong calayuan. Diyata't, sa lahat bagá nang hirap niyang dinalá, hindi mo pa naquilala yaong si doña María.

¿Nalalaman mo ba cung anó ang sumusunod na soltada? ¿Carapatdapat ba ang?... ¡Bakit hindi! ¿hindi mo ba naririn~gig? Ang búlik ni capitang Basilio ang mapapalaban sa lásak ni capitang Tiago; ayon sa lacad n~g "regla" n~g sabong ay dápat manalo ang lásak. ¡Ah, ang lasak! acó ma'y pupusta rin ... datapwa't lumagáy muna tayo sa matibay na calagayan.

Hindî lumampás ang isáng taón at siyá'y nabáo at naulila; guinawâ niyáng aliwan ang m~ga libro upang siyá'y macaligtás sa calungcutan, sa sabong at sa pagca waláng guinágawâ. Datapowa't lubháng nawili sa m~ga pag aaral at sa pamimilí n~g m~ga libro, hanggáng sa mapabayaan niyá ang sariling pamumuhay, cayá't siyá'y unti-unting naghírap.

Kaaway kunwâ ng bisyo, dapwa't siya ang nagpalagò sa kanyang bayan ng sugal at sabong iyang mga laróng walang tumatangkilik kundi ang lahat ng mga tamad, ang lahát nang ibig mabuhay nang nakangangá, ang mga nanghihináyang na gamítin ang útak, magpatulò ng páwis at batákin ang butó, ang mga ulól at mga duwág na natatákot yumápak sa mga baitang ng hagdánang matarík na patúngo sa karangálan at katinuán ng táo sa pamumúhay...

Ang m~ga sabun~gan ay mapaparis sa man~ga pareha n~g cabayo, at ipauubaya sa may ibig ang pagcacaná noon; n~guni't babahagui sa paquinabang ang Pamunoan. Kalaquihan na ang pahintulutan ang sabong sa catapusang lingó n~g baua't buan at sa capistahan n~g pagtatayó n~g República, at di na mangyayari sa ibang arao pa.

Capanig ang pitac na ito n~g isá pang lalong malaki n~g caunti, isang pinaca salas, na pinagtitipunan n~g madla bago gawin ang m~ga "soltada". Nariyán ang pinacamarami sa m~ga manoc, na nan~gatatali n~g isáng lúbid sa lupa, sa pamamag-itan n~g isang pacong but-ó ó lúyong; nariyan ang m~ga tahur, ang m~ga malulugdin sa sabong, ang mananari: diyán nan~gagcacayari, nagninilaynilay, nan~gun~gutang, sumusumpa, nagtutun~gayaw, humahalachac; hinihimas niyón ang canyáng manoc, na pinaraanan n~g camáy ang ibabaw n~g makikintab na m~ga balahibo; sinisiyasat nama't binibilang nito ang m~ga caliskis sa m~ga paa; pinagsasalitaanan ang m~ga maiinam na gawa n~g m~ga bayani; diya'y inyóng mapapanood ang maraming m~ga mukhang malulungcót, na bitbit sa m~ga paa ang bangcay na wala n~g balahibo; ang pinacamahalmahal na hayop sa loob n~g ilang buwan, pinalayawlayaw at sa canya'y ipinagcatiwala ang lalong caayaayang m~ga pag-asa, n~gayo'y wala cung di isáng bangcay na lamang, na ipagbibili sa isáng peseta, upáng lutuing luya ang cahalo at canin sa gabí ring iyón: "sic transit gloria mundi". Pauwi na ang natalo sa canyáng bahay, na pinaghihintayan sa canya n~g esposang cacabacaba ang loob at n~g m~ga limalimahid na m~ga anac, na hindi na taglay ang caunting pamimilac at ang sasabun~gin.