United States or Qatar ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ilagay ang paraan n~g pagtuturo sa bayan sa boong nasasacupan n~g República at ituro ang man~ga patungtun~gang susundin sa paghuhusay sa man~ga malacas at sa man~ga maysaquit. Icalabinglima. Magcaloob n~g man~ga Karan~galan at gantí, pati nang capatauaran sa sála, na ihamong nang Pamunoan. Icalabinganim.

Naaalis ang pagca taga Pilipinas cung lumipat n~g pamamayan sa ibang lupa ó tumangap caya n~g catungculan sa ibang Pamunoan n~g ualang pahintulot ang sa República.

Ang m~ga Kasanguning bayan ay magcacaroon n~g m~ga ganito ring catungculan sa canilang quinalalagyang bayan at mag hahalal n~g isa sa canila na maguiguing Pintacasing maquiquialam sa Hucuman, upang dito'y maganap ang m~ga cautusan n~g ualang quiquilin~gan ang sino man. ICAANIM NA CASAYSAYAN. Tungcol sa Presidente n~g República at caniyang Pamunoan .

Ang capangyarihan sa pagcat-ha n~g cautusan ay tataglayin n~g Kapisanan, casama ang Presidente n~g República na inaalalayan n~g Tanun~gan. Ang nan~gan~gasiua sa pagpapatupad n~g m~ga cautusan ay ang Presidente nang República na tinutulun~gan nang m~ga Kagauad nang Pamunoan at inaalalayan n~g Tanun~gan.

Sa pamula n~g Tanun~gan at sa baua't taon n~g paghahalili ay ito'y bubucsan n~g Presidente n~g República at gagauin ang m~ga pag hahandang nabibilin sa núm. 45. na ualang maiiba cundi ang bilang n~g m~ga Kagauad na mababauasan at madadagdagan n~g Pamunoan alinsunod sa dami n~g gagauin.

Ang Pamunoan ang magbibigay nang man~ga catibayan tungcol sa ano mang catungculan at siyang magsasabi nang man~ga casangcapang dapat taglayin nang lahat na magsipaghan~gad noon at nang paraang dapat pagcaquilanlan nang canilang carapatan.

Ang lahat na catungculang hindi ihalal n~g bayan, cahit ano ang uri at gaano man ang halaga ay dadaaning lahat sa sungcaran, upang mahirang ang lalong marapat, at ang matayó doon ay di mapupuing n~g pagayon lamang. Ang matatan~gi lamang dito ay ang m~ga Kagauad nang Pamunoan at ang m~ga Punongcabayanan at Punongbayan na ipalalagay n~g Presidente, n~guni't sa paraang nabibilin sa Panucalang itó.

Ang m~ga Kagauad n~g Pamunoan ay macahaharap sa Capisanan at Tanun~gan cailan ma't may ipagsasabi sa n~galan n~g Presidente ó sila'y turulin cayá n~g hayág nino man sa Kapulun~gang itó. N~guni't cun pagbobotosan na ang dahil n~g canilang pagdayo ay lalabas at di maquiquialam dito.

Ang nan~gapapasoc sa sandatahan n~g República ay di magbabayad n~g ano mang ambagan at pararamtan at pacacainin n~g Pamunoan sa bayan habang gumugusad n~g catungculan.

Ang lahat na cahalili sa cataastaasang Kapulun~gan ang hahatol sa Presidente n~g República capag naipahayag n~g Kapisanan na ito'y may casalanan, pagca nahalinhan sa catungculan. At ang isang Licmoan nitó ring Kapulung~gan ang hahatol: Una. Sa m~ga Kagauad n~g Pamunoan, pagnaipahayag n~g Kapisanan na sila'y may casalanan. Icalaua.

Salita Ng Araw

matitimbuang

Ang iba ay Naghahanap