United States or Cayman Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang lahat na cahalili sa cataastaasang Kapulun~gan ang hahatol sa Presidente n~g República capag naipahayag n~g Kapisanan na ito'y may casalanan, pagca nahalinhan sa catungculan. At ang isang Licmoan nitó ring Kapulung~gan ang hahatol: Una. Sa m~ga Kagauad n~g Pamunoan, pagnaipahayag n~g Kapisanan na sila'y may casalanan. Icalaua.

Ang man~ga pasiya nang Presidente nang República ay pipilmahang palagui nang Kagauad na nauucol; n~guni't hindi ito mananagot na casama niya cundi maquilala na itong Kagauad ang naghamong nang m~ga naturang pasiya.

Ang Tanun~gan ay magpapalit n~g m~ga Apo bauat apat na taon gaya n~g Kapisanan; n~guni't palaguing bucás. Sa Presupuesto n~g calahatan ay maglalaan nang pang upa sa Presidente, Pan~galauang Presidente at m~ga Kagauad. Ang ibang Apo ay di tatangap n~g ano mang upa, n~guni't hindi magbabayad n~g ano mang ambagan habang humahauac nang Katungculan.

Caracaraca'y huhugot dito rin sa nan~gagcacapisan at sa butusang lihim nang pagcaisahan nang mahiguit sa calahati na isang Presidente, isang Pan~galauang Presidente at tatlong Kagauad, at lulutasin ang paghahanda capag naisulat sa Presidente n~g República ang man~ga paghahalal na itó.

Ang lahat na catungculang hindi ihalal n~g bayan, cahit ano ang uri at gaano man ang halaga ay dadaaning lahat sa sungcaran, upang mahirang ang lalong marapat, at ang matayó doon ay di mapupuing n~g pagayon lamang. Ang matatan~gi lamang dito ay ang m~ga Kagauad nang Pamunoan at ang m~ga Punongcabayanan at Punongbayan na ipalalagay n~g Presidente, n~guni't sa paraang nabibilin sa Panucalang itó.

Isusunod dito ang paghahalal n~g dalauang tagapagsiyasat na maquiqui-agapay sa Puno at nang isang Kagauad na lulucluc sa harap nito at siyang mag tititic sa casulatan n~g lahat na mangyari sa pulong, at itong tatlo catauo ay ituturo at huhugutin n~g m~ga caharap sa canila ring nan~gagcacapisan at siyang maquiqui-umpoc sa Puno sa Tribunal nang paghahalal.

Sa quinabucasa'y magtitipon oli at dito'y pagnaipagpauna n~g Puno ang nabibilin sa unang pangcat n~g núm. 34 ay ipababasa n~g malacas ang pinagcatoosan n~g man~ga tagapagsiyasat at Kagauad gayon din ang sa man~ga sugó, at ang pasiyahin n~g caramihan sa man~ga bating ipaclí sa man~ga salin ó catiuala ay siyang susundin n~g ualang tutol sa pangyayaring yaon lamang.

Ang capangyarihan sa pagcat-ha n~g cautusan ay tataglayin n~g Kapisanan, casama ang Presidente n~g República na inaalalayan n~g Tanun~gan. Ang nan~gan~gasiua sa pagpapatupad n~g m~ga cautusan ay ang Presidente nang República na tinutulun~gan nang m~ga Kagauad nang Pamunoan at inaalalayan n~g Tanun~gan.

Sa mataas na hagdan nang pan~gan~gatungculang-hocom ay macapapanhic cun mag daan sa suncaran mulá sa unang baitang n~g m~ga kagauad n~g Hucuman at m~ga Pintacasing catulong, at ang pagtaas ay para n~g sa pan~gan~gatungculang bayan dahil sa catagalan at sa malalaquing paglilingcod na pinatotohanan at minarapat n~g Tanun~gan.

Sasangcap sa Sanguniang bayan ang Punong bayan na siyang Presidente, ang Pan~gulo sa loob nang bayan na siyang Pan~galauang Presidente, ang iba pang man~ga Pan~gulo at ang m~ga Kasanguning dinatnan nang capanahunan sa cabilugan nang m~ga matandá at ang Kagauad sa Pamunoang bayan na hindi macapagbibibig at di rin macabobotos.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap