United States or Western Sahara ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sa bauat baya'y magcacaroon n~g isang aralán n~g bayan, at dito'y nacapapasoc n~g ualang upa ang m~ga batang lalaqui at babayi na ibig macataroc n~g simulang aral, at ito'y pan~gan~gasiuaan n~g Sanguniang bayan na siya ring magpapalagay n~g m~ga Maestrong catulong sa baua't náyon.

Pan~gan~galagaan din naman nang m~ga Sanguniang cabayanan na sa bauat cabayanan ay magcaroon man lamang nang isang Colegio ó Aralán na magturo nang mataas na aral at nang isang limbagan, hindi lamang upang maquilala n~g lahat ang m~ga pacaná nang napupunoan, cundi naman upang macalat sa paraang itong mabisa ang pagcabucas nang isip at iba pang pagcaquilalang paquiquinaban~gan sa sariling pamumuhay n~g m~ga tauo at cagalin~gan nang lahat.

Sasangcap sa Sanguniang bayan ang Punong bayan na siyang Presidente, ang Pan~gulo sa loob nang bayan na siyang Pan~galauang Presidente, ang iba pang man~ga Pan~gulo at ang m~ga Kasanguning dinatnan nang capanahunan sa cabilugan nang m~ga matandá at ang Kagauad sa Pamunoang bayan na hindi macapagbibibig at di rin macabobotos.

Ang Sanguniang-bayan ang gagaua sa taon-taon n~g Curuan n~g pagcacagugulan sa bayan pati n~g panucala n~g m~ga ambagang dapat ipalagay sa caniyang nasasacupan cun may pagcucunan, at ipadadala yaon sa Sanguniang cabayanan na siyang magboboo sa m~ga Curuan sa bayan-bayan upang magcapisanpisan sa Curuan n~g boong cailan~gan n~g cabayanan.

At gayon ding hihirang sa tatlong iharap sa caniya n~g Sanguniang bayan n~g gagauing Punong bayan na cacatauanin niya sa baua't bayan. Upang mabilang sa m~ga ihaharap ay quinacailan~gang nagdaan sa pagca matandá ó Pan~gulo at di napapintas sa ugali. Ang m~ga Pan~gulo na siyang catiuala n~g Punong bayan sa bauat nayon ay ihahalal n~g Punong cabayanan sa m~ga mapili n~g umaambag na may carapatán.

Ang m~ga puctong ito ang maghahalili sa taon-taon ó bauat icadalauang taon sa Sanguniang cabayanan sa loob n~g isang capanahunan, at maquiquialam sa m~ga usap sa cabayanan na parang m~ga casanguni. Ang m~ga matanda sa bauat bayan ay magbubucodbucód sa dalauang puctó na siyang maghahalili baua't icalauang taon sa Sanguniang bayan.

Sasangcap sa Sanguniang cabayanan ang Punong cabayanan na siyang Presidente, ang Punong bayan sa loob na n~g cabayan na siyang Pan~galauang Presidente, ang m~ga casanguning dinatnan n~g capanahunan sa cabilugan n~g m~ga catiuala at ang Kagauad n~g Pamunoang cabayanan; n~guni't ito'y di macapagbibibig ni macabobotos sa m~ga pagpupulong.

Ang katungculang Apo ay casing tagal n~g sa Tagatayó, at itong dalauang catungculan ay di mapipisan sa isang tauo at di rin malalangcapan n~g ano mang capangyarihan sa pagpaparusa sa tauong bayan. ICALIMANG CASAYSAYAN. Tungcol sa man~ga Sanguniang cabayanan at Sanguniang bayan .

Salita Ng Araw

kumilos

Ang iba ay Naghahanap