United States or Belgium ? Vote for the TOP Country of the Week !
Itong Curuan n~g cabayanan pati n~g panucala n~g m~ga ambagan sa boong Kabayanan at bauat bayan ay ipadadala sa Kagauad sa Yaman, upang mapalagay sa Curuan at Panucala n~g calahatan at mapagsiyasat at mapagnoynoy n~g Kapisanan. Ang m~ga cailan~gan n~g Kabayanan ay tatacpan n~g salapi ding itó at cun magculang ay pupunan sa iniuucol sa calahatan.
Ang Sanguniang-bayan ang gagaua sa taon-taon n~g Curuan n~g pagcacagugulan sa bayan pati n~g panucala n~g m~ga ambagang dapat ipalagay sa caniyang nasasacupan cun may pagcucunan, at ipadadala yaon sa Sanguniang cabayanan na siyang magboboo sa m~ga Curuan sa bayan-bayan upang magcapisanpisan sa Curuan n~g boong cailan~gan n~g cabayanan.