Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Hunyo 6, 2025
Nang maringig, pó, nang tatay co itong aquing capamanhican sa caniya, tila pó,i, natataua-taua, at tila naman namamangot-mangot, nguni,t, hindi siya nagalit, bagcos sumagot sa aquin nang banayad na banayad nang gayon: Basio, icao,i, anac co; icao ay iisa-isang anac co, na minamahal cong totoo, at minamabait co pa; subali,t, ica,i, batang bata pa; ica,i, isang hangal pa, na hindi pa marunong na cumilala nang manga silo at carayaan nang demonio, nang manga lamang bayan at nang sariling catauoan caya, inaalaala co, na baca sacali, cung cata,i, pahintulutang manaog at lumigao diyang paris nga nang guinagaua nang caramihan nang casingbinata mo, ay lumubog ca sa putican, at palubuguin mo pati ang magulang mo, at mapahamac nang para-para ang ating caloloua.
¡Catacot-tacot ang pag-iyac ni Felicitas nang mariñgig niya itong utos nang caniyang amba! Di mapalagay-lagay ang caniyang loob, at sari-saring paraan at capamanhican ang guinaua niya, nang houag baga matuloy ang gayong banta nang caniyang tatay.
Bucod dito,i, napaampon siya sa lahat nang mañga caquilala at di caquilala niya, at nang sabihin co sa madaling salita; ay ualang di guinaua niyang capamanhican sa pagcacaliñga sa caniyang anac.
Ualang-ualang ibang dahilan, cung sa aquing acala, cundi ang catigasan nang ulo nang naturang mag-asaua, at ang caayauan nilang maquinig nang mañga matotouid na hatol nang aming Padre Cura, at nang mañga mahigpit na capamanhican sa canila ni Felicitas, na houag bagang papag-aralin nila si Próspero sa Maynila.
Datapoua,t, hindi rin natapos ang gulo at paghahablahan , sapagca,t, ang mañga naturan co, na si Capitang Juan at si cabezang Teo,i, hindi pumayag sa capamanhican ni cabezang Angi at sa cahatulan nang aming Maguinoong Capitan, cundi itinuloy nila ang canilang usap sa Juzagado , sa Maynila, at dahilan dito,i, tinauag si Próspero nang isang órden nang Señor Alcalde mayor at inihatid sa Maynila, at doon piniit siyang uli sa bilanguan.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap