United States or Niue ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sabay na natapus ang devocion nang Siete Domingos, at ang novena sa arao nang Domingo 26 nang Enero nang taóng 1868, at sa naunang Viérnes á 24 ay tinangap n~g inglesita ang Santo Bautismo.

Pagdating nito sa Inglaterra, ay hindi naalaala ang man~ga aral at bilin sa caniya; datapua ang mabait niyang ale ay parating nananalan~gin cay San Josef, at hinihin~gi ang pagbabalic loob nang caniyang pamangquin, at inaamong pilit ang m~ga ibang religiosas, na siya ay tulun~gan: at tinipon nila ang m~ga batang babaying nag aaral sa convento, at minulan ang devocion n~g pitong arao na Domingo, na sinundan nang dalauang novenas; ó pagsisiam na arao, nang macamtan ang biyayang ninanasâ.

Ang devoción sa daquilang Patriarca San Josef, ay tumutubó at sumusulong na para nang devoción sa malualhating Virgen María. Natalastas nang man~ga tapat na loob na anac ni María, na itong mahal na Ina ay nalulugod sa man~ga tan~ging galang at puri sa calinis-linisang Esposo niya.

Mahalin natin at harapin ang devocion nang pitong sáquit at pitong ligaya ni San Josef, nang tayo ay marapat magcamit nang auá at tulong nitong macapangyarihang Pintacasi, yayamang ipinahayag niya, at sinabing maliuanag, na siya ay totoong nalulugod sa naturang devocion.

Itong mariquit na devocion ay minagaling nang man~ga Sumos Pontífices, na humalili cay San Pedro sa man~ga huling panahong ito, at nilangcapan nila nang man~ga mahal na indulgencias, nang mahicayat ang man~ga binyagan sa ganoon pagpuri cay San Josef.

Taon taon, at cailan man cun ibiguin, ay mabuting ialay sa Santo Patriarca itong mahal na devocion, na parang isang buis, ó tanda nang pagibig at pagquilala sa man~ga biyayang iguinagauad sa atin nang daquilang aua niya, at nang tayo naman ay parating marapat sa caniyang pagcacalin~ga sa buhay na ito, at lalong lalo sa panahon nang pagpanao sa buhay na ito.

Sa Comunion nitong icaapat na Domingo ihain natin si Jesús sa Dios Ama, ayon sa na sa loob ni María at ni Josef, niyong sila ay pumaroon sa templo. Ang indulgencia plenaria ipatutungcol sa manga caloloua sa Purgatorio, na lalong nacaragdag at nagpasulong nang devocion cay San Josef. Pagninilay sa icaapat na Domingo.

Naquiquilala natin ang man~ga tunay na caibigan, ang man~ga tumitin~gin, at totoong nagmamasaquit sa atin, cun tayo ay pinagcacalooban n~g Dios nang caguinhauahan, ó pinadadalhan cayâ nang man~ga hirap at parusa: at sa bagay na ito ay parating inaalaala sa atin nang Santa Iglesia ang man~ga misterios nang ligaya at hapis ni Jesús, María, y Josef, sapagcat ang totoong iniibig, ay sinasamahan sa caguinhauahan, at dinadamayan sa hirap: cayâ ang man~ga tapat na loob na alipin ni San Josef, ay nauiuili sa alaala at pagninilay nang pitong sáquit at pitong ligaya nitong daquilang Santo, at minamahal nila ang pinan~gan~ganlang devocion nang pitong arao na Domingo. sa uicang castilá ay Siete Domingos .

Sinasabi nang marunong at mabait na si Padre Faber, na ang unang dapat tun~guhin nang ating devocion ay si María, at ang icalaua ay si San Josef: at mapatototoohanan, na anomang pahayag sa capurihan nitong maloualhating Patriarca, ay nababagay sa man~ga ugalí at asal nang tunay na pag-cauili nang loob sa Dios.

Sa pagcacamit nang man~ga indulgencias plenarias nitong mahal na devocion ó ejercicio, ay mapipili ang man~ga arao nang Domingo, na nauuna ó sumusunod sa man~ga fiestas ni San Josef, ó ang lalong magalin~gin nang isa at isa, ayon sa cailan~gan niya, ó alinsunod cayá sa utos ó hatol nang Confesor.

Salita Ng Araw

mapisan

Ang iba ay Naghahanap