United States or Sudan ? Vote for the TOP Country of the Week !


Pan~ginoon cong Jesucristo, aco ay sumasampalataya, at nananalig sa iyo, at icao ay aquing iniibig lalo sa lahat nang bagay: iniisip co na aco ay sinagana mo nang biyayâ, at aco ay tacsil na hindi marunong gumanti sa iyo, at sa bagay na ito ay naguguló ang aquing loob, at aco ay ualang magaua cundi humin~gi nang tauad sa iyo: caauan mo, Pan~ginoon co, itong anac na suail: patauarin mo aco, at tunay na pinagsisisihan co ang lahat cong casalanan, at lalong ibig co ang mamatay sa moling magcasala. Quiniquilala co na hindi dapat sa aquin ang aco ay patauarin; datapua inaasahan co ang biyayang ito alang alang sa man~ga carapatan, at sa pamamaguitan ni San Josef, na naturang ama mo, at siya ang nag alag

Alinsunod sa ugaling hindi sumasala taón taón, ay dumalao sa templo nang Jerusalen si María at si Josef casama ang Niño Jesús, na ang edad ay labin dalauang taón, at sa pagdalao na ito ay natirá sa templo si Jesús, at hindi namalayan ni María at ni Josef, cundi niyong sila ay dumating sa bahay, at ang mahal na Niño ay uala.

Nagtaca ang m~ga religiosas, niyong sila ay maquita, at quinilala nang lahat, na ang pagdating doon nang batâ, ay gaua ni San Josef: at napagmasdan na siya ay parang tulig, na ualang masabi cundi dadalauin lamang ang caniyang ale. Sa bagay na iyon ay sináquit ang paghin~gi n~g auâ sa Dios, at moling inialay sa mahal na Esposo n~g Vírgen María ang devocion n~g pitong arao na Domingo.

Sinasabi nang marunong at mabait na si Padre Faber, na ang unang dapat tun~guhin nang ating devocion ay si María, at ang icalaua ay si San Josef: at mapatototoohanan, na anomang pahayag sa capurihan nitong maloualhating Patriarca, ay nababagay sa man~ga ugalí at asal nang tunay na pag-cauili nang loob sa Dios.

Pinili nang Dios Ama ang mapalad na si Josef, na naturang Ama ni Jesús, at pinagcalooban siya nang tunay at manin~gas na pagibig sa bugtong na ito, na lubhang quinalulugdan.

2. Ó lubhang mapalad na Patriarca, malualhating San Josef, na nagcamit nang mataas na caran~galan sa pagaalag

At yayamang talastas ni Josef ang nasasabi sa Escritura Sagrada, na dumating na ang panahon nang pagparito nang Mesias, na ipan~gan~ganac nang isang Vírgen, ay agad isinaloob na si María ang mapalad na piniling Ina, sapagcat siya ang lalong malinis, at lalong banal sa Vírgenes na lahat, at hindi mapaghihinalaan nang carupucan sa anomang bagay, na laban sa catuiran.

Pagcaraan nang ilang arao n~g paghahain sa caniya sa templo, ay guinising si Josef n~g isang Angel, at pinagsabihan na siya ay buman~gong madalí, at dalhin agad sa Egipto si Jesus at si María, sapagca,t, si Jesus ay ninanasang patain ni Herodes, at inutos nitong Haring lilo na pugutan sa Belen ang m~ga sangol, na ualang dalauang taon, at inisip na si Jesus ay maramay sa ganoong patayan.

At ang pitong può at tatlong batang naroroon, ay sabay tumutol nang ganito: Pagpapalain at paquiquingan ni San Josef ang man~ga panalan~gin at pagpilit namin, at mabibinyagan ang inglesita. At quinabucasan ay muling nag alay sila nang isang pagsisiam, na matatapus sa icapitong arao na Domingo, casabay nang devocion nang siete Domingos:

2. Sinasalita nang Priora nang isang convento, na isang casama niyang monja, na ang edad ay dalaoang puô at ualong taon, at dating malacas at magaling, ay nacaramdam nang saquít sa lalamunan, at pagdaca ay namaus at nauala tuloy ang tinig niya, at umabot ang saquít hangan sa sicmura: at sa parating dinadamdam na malaquing cabigatan, at casiquipán nang dibdib, at licod, ay naquilala nang man~ga médicos at ipinahayag nila, na ang saquít nang monja ay na sa dibdib, at ualang gamot na macagagaling. Hindi nasirá ang loob namin sa ganoong hirap, ang uica nang Priora, at cami n~ga ay dumulog at nanalig sa Poon San Josef, na moli at moling ipinagsiam na arao namin, cahit ualang naquiquitang caguinhauahan. Sa lagay na yaon, sapacat ang monja ay lubhang mahin