United States or Iraq ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang dunong na nag-tuturo sa tauo nang pagharap sa caniyang capoua, ay bun~ga nang pag-ibig sa capoua tauo: ang pag-ibig sa capoua tauo, ay bun~ga nang pag-ibig sa Dios, caya ang na ibig sa Dios, ay marunong maquipag capoua tauo, at sacali,t, di marunong ay magsasaquit matuto; sa pagca,t, batid na ang dunong na ito ay puno at mulá nang magandang caasalang quinalulugdan nang Dios.

Pagca tapos nang pagpupuri sa Dios, ang pagpilitan nang tauo ay ang paglilinis nang catauan, na para nang aquing sinaysay sa man~ga unang sulat, ay isusunod ang pagsisicap na ang damit na isosoot ay malinis; at ang calinisang ito ay di dapat limutin nang tauo sa bahay man, sa simbahan at sa lansan~gan man sapagca,t, ang calinisan at cahusayan sa batá ó binata, sa may asaua, ó sa dalaga ay hiyas na quinalulugdan nang mata at quinauiuilihan nang loob.

Cun ang matá nang anac na dalaga ay mahinhing para nang sa calapati, malayo ang loob, ilág ang catauan sa dilang pan~ganib na icasisira nang calinisan, hindi maibiguing tumanyag sa tauo, at di nahihinguil sa pag aasaua, ay di catampatang pilitin nang magulang. Pabayaang mag in~gat nang: pagca Virgen, at nang magcaroon cayo sa bahay nang maputi,t, maban~gong lirio na quinalulugdan nang esposo.

Pinili nang Dios Ama ang mapalad na si Josef, na naturang Ama ni Jesús, at pinagcalooban siya nang tunay at manin~gas na pagibig sa bugtong na ito, na lubhang quinalulugdan.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap