United States or Somalia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Caya cun ang anac nilang dalaga ay naquiquitang may bait, maibiguin sa calinisan, mababang loob, may tacot sa Dios, at ang caniyang pagca vírgen ay ina-alagaan na parang lirio na binacod nang tinic, nang pag papasáquit sa catauan, nang pananalan~gin nang palaguing pagligpit sa silid at pag ilag sa pan~ganib, ay di dapat pilitin sa pag aasaua.

Datapua lumabang masáquit ang ama, at ayao mahiualay sa anac niya, at sa caramihan nang dinadahilan, nang huag matuloy ang ninanasang pag aasaua nang isa at isa, ay minagaling nilang lahat ang mag alay nang devocion nang pitong arao na Domingo sa daquilang Patriarca San Josef, nang maquilala ang calooban nang Dios sa ganoong bagay, na minsang mayarí, ay hindi na masisirá hangan sa camatayan.

Cun ang matá nang anac na dalaga ay mahinhing para nang sa calapati, malayo ang loob, ilág ang catauan sa dilang pan~ganib na icasisira nang calinisan, hindi maibiguing tumanyag sa tauo, at di nahihinguil sa pag aasaua, ay di catampatang pilitin nang magulang. Pabayaang mag in~gat nang: pagca Virgen, at nang magcaroon cayo sa bahay nang maputi,t, maban~gong lirio na quinalulugdan nang esposo.

Pacatantoin nang ama,t, ina na ang pumilit sa anac sa pag aasaua ay casalanang daquila, sapagca,t, ipinahamac ang canilang caloloua. Ang uica ni San Pablo,i, ang capangyarihan nang magulang ay di dapat gamitin sa icapapacasamá nang anac cun di sa icapapacagaling.

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap