United States or Bahamas ? Vote for the TOP Country of the Week !
Naquiquilala natin ang man~ga tunay na caibigan, ang man~ga tumitin~gin, at totoong nagmamasaquit sa atin, cun tayo ay pinagcacalooban n~g Dios nang caguinhauahan, ó pinadadalhan cayâ nang man~ga hirap at parusa: at sa bagay na ito ay parating inaalaala sa atin nang Santa Iglesia ang man~ga misterios nang ligaya at hapis ni Jesús, María, y Josef, sapagcat ang totoong iniibig, ay sinasamahan sa caguinhauahan, at dinadamayan sa hirap: cayâ ang man~ga tapat na loob na alipin ni San Josef, ay nauiuili sa alaala at pagninilay nang pitong sáquit at pitong ligaya nitong daquilang Santo, at minamahal nila ang pinan~gan~ganlang devocion nang pitong arao na Domingo. sa uicang castilá ay Siete Domingos .
Salita Ng Araw