United States or Sudan ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang pagsuca at ang pag-iilaguing yao,i, ang nacagagaling sa maysaquit; at cun hindi manabi, ay cailan~gang sumpitin nang tubig na may asin; maigui ring cuscusin ang tiyan nang basahang tuyo, na idinadarang sa apoy. Cun minsan magaling na ang maysaquit; datapoua masama ang lasa nang bibig.

Tila nasisira-sira ang bait niya; hindi siya nauaual-ang parati nang lagnat; ang pulso,i, mahina,t, matigas; cun minsan sungmusuca siya, ó nagsisin-oc; parating ibig niyang manabi, at cun minsan hindi ungmiihi. Doon sa punong catauan niya mayroong lungmalabas na tubig na mabaho, mapulapula,t, mahapdi, itong ganitong lagay ay masama,t, mapan~ganib ang buhay nang babayi.

Cun baga marumi ang sicmura nang maysaquit, ay cailan~gang pasucahin nang mahinang pasuca, número 35; at cun hindi manabi para nang dati, ay houag pacanin nang marami; at painumin siyang maminsan-minsan nang caunting ruibarbo ó maná, número 82. Nota. Cun minsan ang babayi, at gayon din ang lalaqui, sinusubaan dahilan sa man~ga sinasaysay sa capítulo 74.

Ang icalauang bagay na pag-iilaguin na may casamang saquit na malaqui sa tiyan na yao,i, disentería cun turan nang castila. Itong isang bagay na pag-iilaguin ay may casamang saquit nang tiyan. Ang may cataua,i, parating ibig manabi; at bucod doon, ay masama ang caniyang damdam. Sa inaiilaguin nang maysaquit ay mayroong dugong casama; n~guni cun minsan uala naman.

Magaling din bañosan bago humiga ang maysaquit sa tubig na mainit-init hangang tuhod; pati nang pagsumpit ay bagay rin sa saquit na ito, cun hindi manabi touing arao, ó cun cacaunti ang inaiihi nang may sipón. Datapoua cun munti ang sipón, di man gamutin ang tauo, ay gumagaling siya; houag lamang cumaing ilang arao, nang carne, itlog, baboy, sabao, at alac.

Ang hindi manabi para nang dati, ay magaling cumain nang lutong bun~ga nan~g cahoy; bagay naman sa caniya ang mantica, ang pulot, ang azúcar, ang suero, at ang gatas; cun itong man~ga bagay na ito ay hindi macauala noong saquit na yao,i, magaling uminom ang maysaquit nang caunting ruibarbo, na macaitlo touing lingo.

Ang maysaquit ay dungmaraying, na mainit na totoo ang caniyang tiyan; cun minsan ang inaiilaguin niya ay malabnao, cun minsan hindi manabi; at cun baga bucod dito siya,i, sungmusuca pa, ay mapan~ganib ang caniyang buhay. Ang muc-ha,i, pungmupula; ang tiyan ay namamaga, at salang hipoin, ay sungmisigao ang may catauan; bucod dito ay nauuhao na parati.

Maigui roon naman ang tubig na dinoonan nang gata nang cahel, na ualang azúcar, na yao,i, sa umagang umaga,i, iinumin; magalin din ang pagcain nang cahel cun umaga. Ang tubig na pinaglagaan nang ugat nang hagunoy ay mabuti naman doon sa hindi manabi. Ang gamot sa sinisin~gauan, ó sa namumula ang mata.

Ang maysaquit hindi manabi minsan man; ang tiyan niya ay nauunat; hindi ungmiihi, at cun baga ungmiihi, ay malabo,t, mabaho. Ang pulso ay matigas muna; cun malauo,i, madalas at munti; ang maysaquit ay nanghihina; nasisira ang bait, at nagsisin-oc; ang boong cataoan niya,i, cungmiquinal, ó ga nanlulucso ang laman.

Ang saquit na pinan~gan~ganlang miserere, ó pasión iliaca, na yao,i, pagsasara nang man~ga bituca, na dahil doon, ay hindi manabi ang maysaquit, cundi isinusuca niya ang lahat. Ang bituca nang tauo ay ga cung-miquiyao na parati, na ang camuc-ha ay ood ó ahas; na dahilan dito sa ganitong pagquiyao ang lahat na quinacain ay natutulac sa dacong pouit.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap