United States or Djibouti ? Vote for the TOP Country of the Week !


Magaling pa sa pandacaqui ang dahon nang hagunoy sa binayo. Na-aari naman ang sa número 68. Masama sa ganoong saquit ang alac , ang aguardiente at ang man~ga tapal na dinoroonan nang taba, sapagca yaong man~ga yaon ay nacacalapot sa dugo.

Bucod dito touing guinagamot, ay cailan~gang linisin ang sugat at hugasang maigui nang tubig na malacuco na pinaglagaan nang caunting romero, ó nang dahon nang macabuhay ó lin~gangsina ó hagunoy; ito,i, gagauin bago tapalan.

Maigui roon naman ang tubig na dinoonan nang gata nang cahel, na ualang azúcar, na yao,i, sa umagang umaga,i, iinumin; magalin din ang pagcain nang cahel cun umaga. Ang tubig na pinaglagaan nang ugat nang hagunoy ay mabuti naman doon sa hindi manabi. Ang gamot sa sinisin~gauan, ó sa namumula ang mata.

Nang mamatay ang man~ga ood sa man~ga sugat, ay bumayo ca nang payangpayang, samahan mo nang apog at dahon sariua nang tabaco na pauang binabayo bago itapal. Totoong galing naman sa man~ga gayong sugat ang hugasang parati nang tubig na pinaglagaan nang hagunoy, bago tapalan n~g dahon din nang hagunoy na binayo.

Magaling din ang ungüento nang hagunoy ó lantin na bilin sa número 62 N~guni itong man~ga ganitong bucol hindi nacacaano, at cun minsan masamang gamutin. Ang gamot sa butlig ó culugo sa uicang castila,i, berrugas; at ang gamot sa bosouang, na ang tauag nang castila doo,i, clavos. Maraming bagay ang naigagamot sa butlig at sa bosouang.

Ang iinuming parati nang maysaquit ay ang tubig na pinaglagaan nang timbang tatlong pisong catauan nang maiz na sariua ó tuyo man sa apat na botellang tubig hangan sa maiga ang isang botella. Gayon din ang tubig na pinaglagaan nang hagunoy ay totoong buti, ó ang tubig na pinaglagaan nang talbos nang cahel.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap