United States or Guinea ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang man~ga basahang babad sa tubig na pinaglagaan nang bulaclac ó dahong mura nang culutan. Ang man~ga supot na munti na sinisidlan nang bulaclac ó dahong mura nang culutan ó alagao ó manzanilla, na inilalaga muna sa tubig ó gatas. Yaon ding man~ga bulaclac ó dahong murang yaon, na luto sa tubig ó gatas, na inilalatag sa damit bago itapal.

Ang uica naman ni Rivera, na ang totoong galing sa sibol na yao,i, ang palaca sa ilog, yaon bagang palacang tungmatahan sa tubig na ungmaanod; saca pinipisa ang ulo, at pinapatay, bago bia-quin at itapal sa sibol; touing icalauang oras ay pinapaltan nang ibang palacang bago; at sa loob nang isang arao ay gungmagaling ang maysaquit, at ang ugat nang sibol ay madadala tuloy nang palaca.

Caya marami ang biglang nan~gamatay dahilan sa sila,i sinapoc sa sicmura, na yao,i, ang iquinaputoc nang pali sa loob. Ang magaling sa man~ga pása ay ang man~ga basahang babad sa suca , na dinoroonan nang dalauang gayong tubig na malacuco, cun baga matapang ang suca . Cun mayroong sugat, ay hindi bagay doon ang suca, cundi ang dahon nang pandacaqui , na babayuhin munang maigui bago itapal doon.

Itong lan~gis nang cacao siya ang mabuting ilahid sa lugar na napaso, ó nabanlian nang anomang mainit na tubig. Magaling din ang bumayo ca nang uling nang langca, at doonan mo nang lana bago itapal, at mauauala pati pilat.

Ang taguihauat ay isang bagay na sibol na matigas, mapula pula, mainit, mahapdi at masaquit, na may ugat din para nang pigsa; datapoua ang taguihauat mayroon sa ibabao na tila lan~gib, at ang pigsa,i, ualang gayon. Ang gagauin sa sinisibulan nang taguihauat ay ang turo sa párrafo 240. Saca cun macaputoc, ay tapalan nang isang cabiac na lasonang inihao sa apoy, na mainit cun itapal.

Bucod doon sa man~ga bucol na sinabi co sa man~ga párrafong natalicdan, ay mayroong isa pang bagay na hindi matigas para nang man~ga bicat, at hindi rin masaquit, na ang pan~galan nang castila doo,i, lobanillos. Nagsisisibol sa ulo, sa man~ga camay, sa tuhod, at sa ibang man~ga lugar nang catauan. Ang gamot dito,i, gayon: ang isang malapad na tinga ay itapal doon nang mahabang panahon.

Datapoua cun malalim ang pagcabaon nang tinic ó pana sa laman, at hindi mabunot, ó mabunot man ang iba ay mayroon pang natitira doon, ay mabuting hiuain nang caunti, cun baga hindi pa totoong namamaga ang casangcapang na nasactan, sapagca cun malaqui ang pamamaga ay masamang hiuain; at ang gagauin cun hindi mahiua, ay tatapat na parati sa sin~gao nang mainit na tubig ang lugar na nasactan, saca tapalan nang tinapay na durog na may casamang gatas at lan~gis na bago nang niyog ó lana man; cun ualang tinapay at gatas, ay na-aari ang ugat nang dilao at ang lan~gis nang niyog na babayuhin capoua, bago itapal doon.

Cun mayroong quinagat nang gagamba ang gagauin doo,i, gayon. Bumayo ca nang bauang at triaca , at itapal mo sa lugar nang quinagtan nang hayop. Ang totoong galing dito,i, patacan yaon ding lugar nang dagta nang hauili ó as-is ó tibig , na macalaua ó macaitlo. Datapoua cun baga mayroong tauong nacalunoc nang gagamba casama nang ibang quinain, cailan~gang pasucahin nang lan~gis.

Magaling na totoo sa man~ga batang nagcacasaquit, at sa nag-uubong parati cun sinisibulan nang n~gipin, ang sahing na tutunauin sa apoy bago ilatag sa basahan, at itapal sa licod nang bata sa pag-itan nang dalauang balicat. Ang gamot sa batang may bulati sa tiyan. Caya nahahalatang mayroong bulati sa tiyan nang bata, sapagca siya,i, dinaraanang parati nang cólico.

Nang mamatay ang man~ga ood sa man~ga sugat, ay bumayo ca nang payangpayang, samahan mo nang apog at dahon sariua nang tabaco na pauang binabayo bago itapal. Totoong galing naman sa man~ga gayong sugat ang hugasang parati nang tubig na pinaglagaan nang hagunoy, bago tapalan n~g dahon din nang hagunoy na binayo.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap