United States or Singapore ? Vote for the TOP Country of the Week !


Maigui rin sootan ang tayin~ga nang caunting bulac na ibinabad, sa alac na pinagtunauan nang ga dalauang butil na almizcle; bucod dito ang ulo ay tatacpan nang paño, at masamang mahan~ginan. Ang uica ni P. Santa Maria, ay totoong galing sa masaquit na tayin~ga ang patacan nang taba nang buaya, at cun minsan mauauala ang pagca bin~gi. Na-aari rin ang taba nang baboy.

Cun mayroong quinagat nang gagamba ang gagauin doo,i, gayon. Bumayo ca nang bauang at triaca , at itapal mo sa lugar nang quinagtan nang hayop. Ang totoong galing dito,i, patacan yaon ding lugar nang dagta nang hauili ó as-is ó tibig , na macalaua ó macaitlo. Datapoua cun baga mayroong tauong nacalunoc nang gagamba casama nang ibang quinain, cailan~gang pasucahin nang lan~gis.

Cun baga caya lamang sungmasaquit ang tayin~ga, sapagca nalamigan, ay magluto ca n~g isang daga sa alac, hangan sa matunao, salain mo yaong alac, at maminsan-minsan mong patacan ang tayin~gang masaquit noong ding alac na mainit-init, at mauauala ang saquit.

Maigui rin patacan ang mata nang dagta nang dahon nang pandacaqui. Ang gata nang aligban~gon ay mabuti naman doon. Itong láhat ay aral ni P. Clain; datapoua hindi co na-aalaman cun macagagaling yaon. Dapat atohing gauin ang píldoras número 57; ó cun ibig mo ay basain ang mata nang alac sa misang pinagbabaran n~g cataua,t, dahon nang argémone , yaon bagang damong itinuturo co sa párrafo 338.

Ang romerong n~ginoya, ay mabuti doon sa sugat; ang man~ga dahon nang hagonoy ay totoong buting bayuhin munang maigui, at patacan nang caonting lana, ó bagong lan~gis nang niyog; saca balutin sa dahon nang saguing; at ibaon sa mainit na abo, bago itapal sa sugat at tuloy gagaling, cun gauin mong macalaua, malaqui man ang sugat. Maigui rin ang ugat nang baliti na babayuhin bago itapal.

Cun baga masaquit ang tayin~ga, ay mabuti patacan nang gata nang lasona, na may calahoc na gatas nang babayi; mabuti rin ang gata nang calabasa.

Salita Ng Araw

obat

Ang iba ay Naghahanap