United States or Democratic Republic of the Congo ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang timbang ualong butil na trigo, ó palay noong tila pocot nang damong yaon, ay ibinababad sa apat na tazang tubig hangan sa matapos ang pagdarasal nang isang Ama namin, at saca itinatapon yaon ding ibinabad; ang maysaquit ay paiinumin nang isa nang isang taza, at hindi ipinauubos doong minsanan ang apat na taza, maca hindi cailan~gan sa caniya ang gayong carami.
Touing icatlong arao ay pupurgahin ang maysaquit cun matanda nang bilin sa número 58; ó cun aayao siya noon, ay ang sa número 63 siya ang ipupurga sa caniya. Bucod dito ang man~ga sugat ay babasaing maminsan-minsan nang isang caputol na lienzong ibinabad sa gata nang siempreviva, ang lienzo ay tinatalian sa dulo nang patpat.
Maigui rin sootan ang tayin~ga nang caunting bulac na ibinabad, sa alac na pinagtunauan nang ga dalauang butil na almizcle; bucod dito ang ulo ay tatacpan nang paño, at masamang mahan~ginan. Ang uica ni P. Santa Maria, ay totoong galing sa masaquit na tayin~ga ang patacan nang taba nang buaya, at cun minsan mauauala ang pagca bin~gi. Na-aari rin ang taba nang baboy.