United States or Norfolk Island ? Vote for the TOP Country of the Week !


Saca painumin naman siyang macalaua ó macaitlo arao-arao nang bilin sa número 24, timbang saicapat ang isang inom. Totoong galing dito ang sa número 32, cun uala yaong isang turo sa número 24, at iisa rin ang cabagsican nitong dalauang bagay. Cun ang saquit ay ungmu-unti na, ang bilin sa número 51, ay yaon ang ipupurga sa maysaquit.

Cun baga hindi sangol cundi matanda na ang sinisin~gauan sa bibig, ang pag-gamot doo,i, para nang pag-gamot sa man~ga sangol, na itinuro co sa párrafo 268 na sinundan nito. Datapoua ang ipupurga doon ay ang bilin sa número 23, at ang ipagmumumog ay ang bilin sa número 19.

Touing icatlong arao ay pupurgahin ang maysaquit cun matanda nang bilin sa número 58; ó cun aayao siya noon, ay ang sa número 63 siya ang ipupurga sa caniya. Bucod dito ang man~ga sugat ay babasaing maminsan-minsan nang isang caputol na lienzong ibinabad sa gata nang siempreviva, ang lienzo ay tinatalian sa dulo nang patpat.

Cun ruibarbo ang ipupurga doo,i, paiinumin touing calahating oras nang isang tazang sabao.

Cun nacalalo ang isang anim na arao, ay bibig-yan nang purgang turo sa número 73. Datapoua cun ang maysaquit ay hindi gung-magaling-galing, ang ipupurga doo,i, ang sa número 21; cun nacaraan ang anim na arao, ay capupurgahing uli; susundin naman ang lahat na sinabi co sa párrafo 345.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap