United States or Faroe Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun namamaga ang tayin~ga ay maglaga ca n~g balat nang granada sa ihi nang tauo na may ilang arao na ang ihi, at yao,i, ibasa mo sa tayin~ga at mamamatay ang man~ga ood, cun baga mayroon; cun ibig mo ang gata nang romerong binayo ay isa rin. Itong lahat ay uica ni Clain. Datapoua mayroong isa pang gamot na totoong buti, na yao,i, gayon.
Ang romerong n~ginoya, ay mabuti doon sa sugat; ang man~ga dahon nang hagonoy ay totoong buting bayuhin munang maigui, at patacan nang caonting lana, ó bagong lan~gis nang niyog; saca balutin sa dahon nang saguing; at ibaon sa mainit na abo, bago itapal sa sugat at tuloy gagaling, cun gauin mong macalaua, malaqui man ang sugat. Maigui rin ang ugat nang baliti na babayuhin bago itapal.