United States or Cayman Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun ang maysaquit ay mahinang-mahina, ang bilin sa número 40 samahan nang bilin sa número 41. Magaling ding painumin maminsan-minsan ang maysaquit nang alac sa Misa. Cun malacas ang pag-iilaguin nang maysaquit ang isang pelotilla nang bilin sa número 41, ay samahang minsang ó macalaua maghapon nang triaca, ga tatlong butil nang maiz carami.
Pagca guinaua na itong lahat na gamot at ang maysaquit ay ualang lagnat, cun husay naman ang caniyang sicmura, at ugali ang caniyang pananabi, at cun hindi rin namamaga ang casangcapang masaquit, at hindi mainit, ó ga tuyo ang catauan nang maysaquit, ay mabibig-yan siya bago humiga nang polvos número 25 sa isang tagayang tubig na hinulugan nang caunting triaca, ga ualong butil na maiz carami; at caalam-alam gagaling na, lalo pa cun tapalan, ó cumutan ang casangcapang masaquit nang isang basahang babad sa tubig na turo sa número 27.
Ang iinuming parati nang maysaquit ay ang tubig na pinaglagaan nang timbang tatlong pisong catauan nang maiz na sariua ó tuyo man sa apat na botellang tubig hangan sa maiga ang isang botella. Gayon din ang tubig na pinaglagaan nang hagunoy ay totoong buti, ó ang tubig na pinaglagaan nang talbos nang cahel.