Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !

Na-update: Hulyo 13, 2025


Ang gagauin doon, ay gayon. Houag tatacpan ang ulo nang maysaquit; pati nang catauan ay houag cumutan nang macapal na damit, bubucsan ang man~ga pinto,t, dun~gauan nang silid; cun mayroong bigquis ó tali sa catauan nang maysaquit, cacalagui,t, palulubayin; bibigquisan lamang nang mahipit sa ibabao nang tuhod; ipalulocloc ang maysaquit sa bangco na ang paa ay lauit, at ang ulo,i, mataas; sasangrahan at cucunan nang timbang labindalauang pisong dugo sa paa, ó sa camay, at cun baga malacas tumaliris ang dugo, ooling sangrahan hangang ga macaitlo, ó macaapat ga loob nang apat na oras, cun baga inaacalang macacayanan nang maysaquit; susumpitin naman nang tubig na pinaglagaan nang culutan na may casamang lana, ó lan~gis na bago nang niyog, ga apat na cuchara, at isa pang cucharang asin; ito,i, gagauin touing icatlong oras.

Pagca guinaua na itong lahat na gamot at ang maysaquit ay ualang lagnat, cun husay naman ang caniyang sicmura, at ugali ang caniyang pananabi, at cun hindi rin namamaga ang casangcapang masaquit, at hindi mainit, ó ga tuyo ang catauan nang maysaquit, ay mabibig-yan siya bago humiga nang polvos número 25 sa isang tagayang tubig na hinulugan nang caunting triaca, ga ualong butil na maiz carami; at caalam-alam gagaling na, lalo pa cun tapalan, ó cumutan ang casangcapang masaquit nang isang basahang babad sa tubig na turo sa número 27.

Salita Ng Araw

pigilin

Ang iba ay Naghahanap