United States or Uganda ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang tubig ay palalabasing minsan, datapoua marahan dahan, nang houag malio ang maysaquit; at nang mapalabas na maigui ang tubig, ay binibigquisan ang tiyan nang man~ga malalapad na bigquis, na cun bago,i, louag, at cun lungmabas na ang tubig, ay higpithigpitang marahan dahan. Saca painumin ang maysaquit nang bilin sa número 74, at susundin ang man~ga turo sa párrafo 345.

Yaong tali ó bigquis na inilalagay doon, ay mayroong sadhiyang pagcatabas, na hindi maliuag isipin nang alin mang marunong dunong, sapagca ibinabagay sa lugar na quinadoroonan nang saquit.

At cung batiin man ay ayao sumagot ay tandaan ninyong ang tono,i, matayog, ang naghihicab nama,i, pala-antoc na ualang adhica cung hindi matulog. At capag sa gabi,i, ang ulo,i, may bigquis houag maniualang tunay na may saquit, ang dahilan nito,i, tantong naiinip at di dumadating ang toua nang dibdib.

Bucod dito ang liig ay tatapalan nang dahon nang tabaco at macabuhay, na babayuhin muna; itong tapal, ay hindi inaalis sa liig, cundi parating naroon arao at gab-i; macalaua lamang maghapon inaalis, nang mapahiran ang pauis; saca isinasaoli at dinoroonan nang bigquis na hindi louag hindi maigting. Cun bago ang saquit, ay caalam-alam mauauala pagca gauin yaon.

Ang maysaquit ay papambo arao-arao, ó macalaua man lamang touing lingo. Datapoua cun yaong gamot na yao,i, hindi nacauauala nang saquit, pag guinaua sa dalaua ó tatlong bouan, ay pahiran ang liig touing icapat na arao nang caunting ungüento nang mercurio ayon sa turo sa número 28. Saca tatacpan ang liig nang isang bigquis na hindi louag hindi maigting.

Ang bigquis ay mayroong apat na dulo; ang dalauang nangagaling sa licod, ay binubuhulan sa ilalim nang pusod; at ang dalauang dulo nang tali na nagmumula sa harap ay ipinapatun~go sa bay-auang, at doon tinatalian. Bucod dito sa guitna nang taling yao,i, mayroong isang tila unang munti ó dalaua caya, na taga pagdiin nang bituca nang houag macalabas uli.

Cun hindi rin ungmaampat ang dugo, at ang sugat ay nadoroon sa camay ó paa, ay cailan~gang bigquisan ang casangcapang nasactan sa itaas nang sugat nang isang bigquis na ang lapad ay tatlong daliri man lamang, na pinipitpit nang isang caputol na cahoy nang umigting; houag lamang pacalulubhain, at maca mabuloc ang laman; maminsan-minsan ay lolouagan ang bigquis.

Ang gagauin doon, ay gayon. Houag tatacpan ang ulo nang maysaquit; pati nang catauan ay houag cumutan nang macapal na damit, bubucsan ang man~ga pinto,t, dun~gauan nang silid; cun mayroong bigquis ó tali sa catauan nang maysaquit, cacalagui,t, palulubayin; bibigquisan lamang nang mahipit sa ibabao nang tuhod; ipalulocloc ang maysaquit sa bangco na ang paa ay lauit, at ang ulo,i, mataas; sasangrahan at cucunan nang timbang labindalauang pisong dugo sa paa, ó sa camay, at cun baga malacas tumaliris ang dugo, ooling sangrahan hangang ga macaitlo, ó macaapat ga loob nang apat na oras, cun baga inaacalang macacayanan nang maysaquit; susumpitin naman nang tubig na pinaglagaan nang culutan na may casamang lana, ó lan~gis na bago nang niyog, ga apat na cuchara, at isa pang cucharang asin; ito,i, gagauin touing icatlong oras.

Sa alin mang tauong linuluslusan, bata man matanda man, ang pag-gamot ay iisa rin. Datapoua ang man~ga bata ay madaling gamutin, at bihira ang hindi gungmagaling, alagaan lamang nang tali, ó bigquis yaong lugar na pinaroroonan nang bituca.

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap