United States or Benin ? Vote for the TOP Country of the Week !


Itong pamamaga nang paa, ay nauauala siyang cusa cun malauon, capag nacuha ang totoong saquit na pinangali-n~gan noong pamamagang yaon. Datapoua cun ang may catauan ay lauon nang ualang saquit, at hindi mauala ang pamamaga nang paa, ay maigui ang siya,i, lumacad na parati. Cuscusin ang paa nang isang basahang tuyo,t, mainit, at bigquisan nang damit na maigting-igting.

Cun hindi rin ungmaampat ang dugo, at ang sugat ay nadoroon sa camay ó paa, ay cailan~gang bigquisan ang casangcapang nasactan sa itaas nang sugat nang isang bigquis na ang lapad ay tatlong daliri man lamang, na pinipitpit nang isang caputol na cahoy nang umigting; houag lamang pacalulubhain, at maca mabuloc ang laman; maminsan-minsan ay lolouagan ang bigquis.

Saca sa ibabao nang hilas ay doonan mo nang isang caputol na lienzong babad sa lana, ó lan~gis na bago nang niyog, bigquisan mo nang hindi louag at hindi maigting, at houag mong quiquibuin yaon sa isang arao at isang gab-i.

Ang magaling gauin pagca gayon ang lagay nang nasugatan, ay ang hilas muna ang itapal sa sugat, at sa ibabao lag-yan nang tinapay na durog na dinoroonan nang gatas at caunting lana nang houag maniquit ang tinapay, at yao,i, ang ilalagay sa ibabao nang hilas bago bigquisan para nang dati; na-aari naman ang tinapay lamang at ang tubig na ualang iba, datapoua cailan~gang paltan macaapat maghapon.

Salita Ng Araw

kumilos

Ang iba ay Naghahanap