United States or Oman ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang color nang lungmalabas, ay dilao ó verde, ó maputi caya, ó maitim cun minsan; saca sungmasaquit na totoo ang tiyan; ang pulso ay tila pulso nang nalalagnat; cun malauo,i, mahina. Mayroong maysaquit na sa loob nang sang oras ay maquisandaang mag-ilaguin; ang muc-ha ay madaling nag-iiba cun malaqui ang saquit.

Ang maysaquit hindi manabi minsan man; ang tiyan niya ay nauunat; hindi ungmiihi, at cun baga ungmiihi, ay malabo,t, mabaho. Ang pulso ay matigas muna; cun malauo,i, madalas at munti; ang maysaquit ay nanghihina; nasisira ang bait, at nagsisin-oc; ang boong cataoan niya,i, cungmiquinal, ó ga nanlulucso ang laman.

Ito ang man~ga unang nararamdaman nang quinagat nang asong bang-ao. Ang sungmusunod dito,i, itong iba pa; ang maysaquit ay nauuhao na totoo, at nahihirapan cun ungminom, datapoua cun malauo,i, aayao na siyang uminom, at touing ilalapit sa caniya ang tubig, ó cun naquiquita niya, ó naririn~gig man ang pan~galang tubig ay nasisindac ang caniyang boong catauan.

Palibhasa,i, hindi maquita ang naroroon sa loob nang catauan nang tauo, caya lamang nahahalata na mayroong saquit sa baga nang tauo, sapagca cun minsan naguiguinao ang maysaquit, at parating balisa na hindi mandin macatahan; saca ang humahalili sa guinao na yao,i, ang init, na may calahoc na siya,i, pinan~gin~gilabutan nang guinao; ang pulso,i, matulin, malacas, puno, matigas, at husay, cun hindi malalaqui ang saquit; cun malaqui ang saquit, ang pulso,i, munti malambot at gulo; dumaraying ang may catauan, na masaquit saquit ang isan~g cabilang dibdib; cun minsan ang uica niya, na anaqui mayroong siyang mabigat sa ibabao nang puso; cun minsan ang boong cataua,i, masaquit, at lalo pa ang bay-auang; hindi lumagay ang maysaquit cundi tihaya at bihirangbihira doon sa nagcacasaquit nang gayong saquit, ang nacacatahan nang pataguilid; nag-uubo ang may catauan cun minsan, na ualang inilulura; cun minsan dungmarahac na may dugong casama; mabig-at ang caniyang ulo; nasisira cun minsan ang bait; ang muc-ha,i, namumula at cun minsan hindi, bagcus nag-iiba sa dati, na cun gayo,i, mapan~ganib ang buhay nang maysaquit; ang man~ga labi, ang dila, ang n~galan~gala, pati nang balat ay tuyo; mainit ang hinin~ga; ang inaiihi niya ay caunti at mapula cun bago, cun malauo,i, marami at hindi lubhang mapula, at mayroong latac; nauuhao ang maysaquit at cun minsan ibig niyang sumuca; datapoua,t, hindi sucat big-yan nang pasuca, at mamamatay cun pasucahin.

Cun minsan naman cun mauala na ang saquit na balingtamad, ay nagcacalintog ang man~ga paa na cun malauo,i, naguiguing sugat; itong sugat hindi sucat gamutin agad, at uuli ang saquit; ang pagpurgang maminsan-minsan, at ang pagiin~gat sa pagcain marami, ay nacauauala roon sa man~ga sugat na yaon.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap