United States or Japan ? Vote for the TOP Country of the Week !


Palibhasa,i, hindi maquita ang naroroon sa loob nang catauan nang tauo, caya lamang nahahalata na mayroong saquit sa baga nang tauo, sapagca cun minsan naguiguinao ang maysaquit, at parating balisa na hindi mandin macatahan; saca ang humahalili sa guinao na yao,i, ang init, na may calahoc na siya,i, pinan~gin~gilabutan nang guinao; ang pulso,i, matulin, malacas, puno, matigas, at husay, cun hindi malalaqui ang saquit; cun malaqui ang saquit, ang pulso,i, munti malambot at gulo; dumaraying ang may catauan, na masaquit saquit ang isan~g cabilang dibdib; cun minsan ang uica niya, na anaqui mayroong siyang mabigat sa ibabao nang puso; cun minsan ang boong cataua,i, masaquit, at lalo pa ang bay-auang; hindi lumagay ang maysaquit cundi tihaya at bihirangbihira doon sa nagcacasaquit nang gayong saquit, ang nacacatahan nang pataguilid; nag-uubo ang may catauan cun minsan, na ualang inilulura; cun minsan dungmarahac na may dugong casama; mabig-at ang caniyang ulo; nasisira cun minsan ang bait; ang muc-ha,i, namumula at cun minsan hindi, bagcus nag-iiba sa dati, na cun gayo,i, mapan~ganib ang buhay nang maysaquit; ang man~ga labi, ang dila, ang n~galan~gala, pati nang balat ay tuyo; mainit ang hinin~ga; ang inaiihi niya ay caunti at mapula cun bago, cun malauo,i, marami at hindi lubhang mapula, at mayroong latac; nauuhao ang maysaquit at cun minsan ibig niyang sumuca; datapoua,t, hindi sucat big-yan nang pasuca, at mamamatay cun pasucahin.

Caya hindi pa siya gungmagaling-galing bagcus ang lagnat ay para nan~g dati; matulin ang pulso, at cun minsan mahina at malambot; datapoua,t, cun minsan nama,i, matigas, at ga nag-aalon-alon; ang paghin~ga ay mahirap; pinan~gin~gilabutan nang guinao na maminsanminsan; gab-i gab-i lungmalaqui ang lagnat; ang pisn~gi ay mapula; tuyo ang man~ga labi, at nauuhao ang maysaquit.

Cun minsan hindi lamang mayroong nana roon sa sibol na naquiquita, cundi sa ibang lugar nang lalamunan na hindi na-aalaman, caya ang maysaquit anaqui magaling na, at ang lagnat ay munti at naca-catulog siya,t, nacacalunoc; datapoua,t, hindi nauauala ang saquit nang bibig; pinan~gin~gilabutan siya nang guinao, ang dila,i, bungmibigat at cungmacapal sa caniyang damdam.

Ang maysaquit ay namamanglao at ga natatamlay; naguiguitla siya, at pinan~gin~gilabutan nang guinao ang boong catauan; ga quinacapus siya nang paghin~ga at balisang parati; masaquit ang man~ga bituca; ang pulso,i, mahina,t, gulo; ang pagtulog ay hindi mahimbing, bagcus parating naguiguising at natatacot; ang pananabi ay sala rin; parating pinapauisan siya nang malamig, na munti ang pauis at sumandaling oras lamang calauon; cun minsan masaquit ang lalamunan.

Salita Ng Araw

mapisan

Ang iba ay Naghahanap