United States or Bermuda ? Vote for the TOP Country of the Week !


sa man~ga maysaquit, na yaon ang nabibilin sa man~ga párrafo nitong libro. Uul-in pa manding babayuhin ang natirang latac, at huhulugan naman nang isang tagayang tubig; saca sinasala rin sa sinamay, at yaong tatlong tagayang tubig ay lalag-yan nang timbang isang salaping azúcar.

Cun minsan dinaraanan nang malaquing hirap ang maysaquit sa icapat na arao. Ang saquit na Pulmonía ay nauauala,t, nacucuha sa paglura, at sa pag-ihi: dito sa ihi nang maysaquit sa dacong icapitong arao mayroong naquiquitang latac na marami, na ang color ay maputing itim, at cun minsan nana ang nadoroon. Saca hungmahalili ang pauis na nacagagaling sa maysaquit.

Cun gab-i ang saquit ay malaqui; datapoua malaqui man, hindi sucat big-yan nang anomang bagay na patulog ang maysaquit, at masama bagcus sa caniya. Ang saquit na balingtamad nauauala sa pag-iilaguin ó sa pag-ihi nang ihing malabo,t, malapot na may latac na tila madilao, ó sa pagpauis.

Palibhasa,i, hindi maquita ang naroroon sa loob nang catauan nang tauo, caya lamang nahahalata na mayroong saquit sa baga nang tauo, sapagca cun minsan naguiguinao ang maysaquit, at parating balisa na hindi mandin macatahan; saca ang humahalili sa guinao na yao,i, ang init, na may calahoc na siya,i, pinan~gin~gilabutan nang guinao; ang pulso,i, matulin, malacas, puno, matigas, at husay, cun hindi malalaqui ang saquit; cun malaqui ang saquit, ang pulso,i, munti malambot at gulo; dumaraying ang may catauan, na masaquit saquit ang isan~g cabilang dibdib; cun minsan ang uica niya, na anaqui mayroong siyang mabigat sa ibabao nang puso; cun minsan ang boong cataua,i, masaquit, at lalo pa ang bay-auang; hindi lumagay ang maysaquit cundi tihaya at bihirangbihira doon sa nagcacasaquit nang gayong saquit, ang nacacatahan nang pataguilid; nag-uubo ang may catauan cun minsan, na ualang inilulura; cun minsan dungmarahac na may dugong casama; mabig-at ang caniyang ulo; nasisira cun minsan ang bait; ang muc-ha,i, namumula at cun minsan hindi, bagcus nag-iiba sa dati, na cun gayo,i, mapan~ganib ang buhay nang maysaquit; ang man~ga labi, ang dila, ang n~galan~gala, pati nang balat ay tuyo; mainit ang hinin~ga; ang inaiihi niya ay caunti at mapula cun bago, cun malauo,i, marami at hindi lubhang mapula, at mayroong latac; nauuhao ang maysaquit at cun minsan ibig niyang sumuca; datapoua,t, hindi sucat big-yan nang pasuca, at mamamatay cun pasucahin.

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap