Datapoua mayroong pag-ihi n~g dugo, na yao,i, dala nang caramihang dugo nang may catauan, na cun hindi maraming totoo ang inaihing dugo, ay hindi masama yaon sa caniya; cun minsan doon sa dugong inaiihi mayroong casamang nana. Ang gamot sa saquit na ito ay gayon.

Cun minsan dinaraanan nang malaquing hirap ang maysaquit sa icapat na arao. Ang saquit na Pulmonía ay nauauala,t, nacucuha sa paglura, at sa pag-ihi: dito sa ihi nang maysaquit sa dacong icapitong arao mayroong naquiquitang latac na marami, na ang color ay maputing itim, at cun minsan nana ang nadoroon. Saca hungmahalili ang pauis na nacagagaling sa maysaquit.

Datapoua cun hindi lubhang malaqui ang saquit, ó cun maigui ang pag-gamot doon, ay ang maysaquit nananatili sa lagay na yaon na sinaysay co sa párrafo 192; hindi siya lungmulubha, at hindi rin dinaraanan nang man~ga sinabi co sa párrafo 193, na linaluan nito, bagcus ungmuunti ang lagnat at ang saquit nang ulo; ang pag-iilaguin ay malacas sa rati, at nacacaguinhaua sa caniya, at gayon din ang pag-ihi; nacacatulogtulog na ang maysaquit; ang dila,i, lungmilinis, at magaling-galing na ang pagcaramdam nang may catauan.

Cun ang pag-ihi nang dugo ay casama nang bulutong ó nang man~ga lagnat na malaqui, ang lagnat ó ang bulutong ay guinagamot muna para nang turo sa man~ga capítulong nacaraan, at ang pag-ihi nang dugo ay siyang cusang mauauala. Maigui roon naman ang suero nang gatas, cun hindi pa maasim; n~guni,t, iinumin nang malauong panahon.

Masamang purgahin, ó pasucahin ang aquing sasabihin n~gayon, sa macatouid: ang nalalagnat na tauo sa oras nang pagcalagnat niya, cun baga siya,i, nalalagnat nang malaqui; ang tuyo ó payat na totoo ang caniyang catauan; cun ang pinagmul-an nang saquit ay cahinaan nang catauan; cun pinanaugan nang sa panahon ang babayi; cun ang may cataua,i, nagcasaquit, at ang caniyang saquit ay nauauala na sa pauis, ó sa pag-iilaguin, ó sa pag-ihi, ó sa pag-babalin~goyn~goy; ang tauong piyohin, cun dinaraanan nang saquit na yaon; gayon din cun totoong hina ang man~ga litid nang may catauan.

Ang pag-ihi nang dugo cun minsan ay dala nang pag-urong nang panahon sa man~ga babayi, ó gaua nang pagsacay sa cabayo, ó sa pagcahulog sa mataas, ó sa pagbuhat nang mabig-at, ó sapagca mayroong bato sa pantog, ó cun minsan gaua naman nang man~ga purgang matapang ó man~ga parapit caya.

Ang pag-inom nang maraming alac hangan nalalasing ang may catauan, ang man~ga sugat sa ulo at sa loob nang gulugod, ang han~ging malamig cun ungmuulan, ang pagliban nang ugaling pag-ihi ó pananabi; ang pagtahang parati na ualang gaua, ang pag-inom nang malimit nang cha, ó cafe etc., ang man~ga sugat sa litid, ang sin~gao na masama na nangagaling sa lupa, at ang iba pa.

Ang saquit nang pleuresía ay nauauala sa paglura, ó sa pag-ihi, ó sa pagpauis, para nang pulmonía; cun minsan naman sinisibulan ang maysaquit nang baga sa loob, ó tinutuboan nang bucol na matigas doon din sa loob, ó cun minsan nama,i, nabubuloc ang caniyang baga, para nang sinabi co na sa capítulo nang pulmonía.

Cun gab-i ang saquit ay malaqui; datapoua malaqui man, hindi sucat big-yan nang anomang bagay na patulog ang maysaquit, at masama bagcus sa caniya. Ang saquit na balingtamad nauauala sa pag-iilaguin ó sa pag-ihi nang ihing malabo,t, malapot na may latac na tila madilao, ó sa pagpauis.

Caya naquiquilala, na ang nagcacasaquit nang Pulmonía, may sibol sa caniyang baga, sapagca nacalalo na ang labing apat na arao nang caniyang pagcacasaquit, at hindi pa siya dinaraanan nang malacas na paglura, pag-ihi, pag-iilaguin, ó hindi siya pinauisan.