United States or Finland ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang pinacabutil ó lintog nang saquit na culebra, ay bihirang nagnanana, at cun baga magnana ay maguiguing sugat. Ang dahilan nitong saquit ay ang apdo, na napapasama sa dugo, na hindi lungmalabas na para nang dati sa pagpauis nang tauo. Houag pacanin siya nang carne ó itlog; masama ang alac doon; ang man~ga gulay at ang man~ga hinog na bun~ga nang cahoy ay macacain niya.

Ang saquit na suba dahil sa cahinaan nang catauan nang tauo, ay hung mahalili, ó sungmasabay cun minsan sa pag-iilaguin nang malacas, sa pagbabalin~goyn~goy, ó sa pagpauis, sa malimit na pag-gaua nang mahalay, sa pagcapuyat, ó sa malauong pananab-ang nang pagcain; sapagca ang man~ga ganito,i, paraparang totoong nacacahina sa catauan.

Cun gab-i ang saquit ay malaqui; datapoua malaqui man, hindi sucat big-yan nang anomang bagay na patulog ang maysaquit, at masama bagcus sa caniya. Ang saquit na balingtamad nauauala sa pag-iilaguin ó sa pag-ihi nang ihing malabo,t, malapot na may latac na tila madilao, ó sa pagpauis.

Sa icatlong arao pupurgahing uli, nang purgang mahina hina at pararapitan sa dalauang binti. Cun baga pinapauisan ang maysaquit, paiinumin nang anomang bagay nanacacapagpapauis; itong pagpapauis doon, ay itutuloy na mahabang panahon, hangan sa siyam na arao, sa halimbaua; at cun minsan itong pagpauis ay macacauala nan man~ga bacas nang apoplegía.

Marahil dumaan ang pagpauis sa catapusan nitong saquit; at cun gayo,i, magaling painumin ang maysaquit nang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao nang mapauisan pa mandin.

Ang saquit nang pleuresía ay nauauala sa paglura, ó sa pag-ihi, ó sa pagpauis, para nang pulmonía; cun minsan naman sinisibulan ang maysaquit nang baga sa loob, ó tinutuboan nang bucol na matigas doon din sa loob, ó cun minsan nama,i, nabubuloc ang caniyang baga, para nang sinabi co na sa capítulo nang pulmonía.

Ang salang pag-gamot sa maysaquit, yaon ang totoong iquinalalaqui nang caniyang saquit: cun minsan pinipilit mapauisan ang maysaquit; at ang lahat na bagay na mainit guinagaua, at ipinaiinom doon, sapagca ang isip nang maraming tauo,i, ang pagpauis ay nacauauala sa lahat na saquit.

Ang calauonan nang culebra ay ualo, sangpuo, ó labingdalauang arao; at cun nauauala na ay pinapauisan nang malaqui ang maysaquit; itong pagpauis ay hindi dungmaraan cundi sa catapusan nang saquit. Ang culebra ay marahil magbago nang lugar. Cun sa utac nang ulo ó sa dibdib mapatun~go ay namamatay agad ang maysaquit; at cun sa liig maparoon, ay garrotillo ang icamamatay niya.

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap