United States or Côte d'Ivoire ? Vote for the TOP Country of the Week !


Datapoua paiinumin nang bilin sa número 8, at pararapitan sa man~ga binti. Ang tauong tiniticdas ay cailan~gang mag-in~gat sa han~gin. Cun minsan dahilan sapagca uinaual-ang halaga ang pag-uubo na ugaling sumunod sa toco ó ticdas, na hindi guinamot nang husay, ay linalagnat ang maysaquit nang lagnat na hindi mangyaring mauala; at caya gayon ay mayroong sungmisibol sa baga.

Datapoua cun hindi pa mandin ungmuunti ang lagnat, cun masaquit ang ulo at malinao ó hindi lumagay ang maysaquit, ay pararapitan siya sa man~ga binti ayon sa turo sa número 36, at pabayaan doon nang malauon ang parapit; at cun ang lagnat ay malaquing totoo, ay houag pacanin nang anoman ang maysaquit.

N~guni ang lalong mabuti roo,i, painuming parati ang maysaquit nang bilin sa número 26, ó nang sa número 12, na lalag-yan nang timbang saicaualong salitre sa baua,t, isang tagayang tubig. Touing icalauang oras bibig-yan nang isang taza nang bilin sa número 8. Saca pararapitan sa man~ga binti nang sa número 36. Itong man~ga gamot na ito ay hindi macasasama sa maysaquit, at cun minsan macacagaling.

Sa icatlong arao pupurgahing uli, nang purgang mahina hina at pararapitan sa dalauang binti. Cun baga pinapauisan ang maysaquit, paiinumin nang anomang bagay nanacacapagpapauis; itong pagpapauis doon, ay itutuloy na mahabang panahon, hangan sa siyam na arao, sa halimbaua; at cun minsan itong pagpauis ay macacauala nan man~ga bacas nang apoplegía.

Babañusang parati ang maysaquit sa tubig na mainit hangang tuhod; cucuscusin nang tuyong damit ang caniyang paa. Saca sasangrahan dito rin sa paa. Lag-yan nang parapit número 36, at cun malubha ang maysaquit, ay lalac-han ang parapit. Ang paa siya ang pararapitan, cun baga ang maysaquit datihang pinipiyo sa paa, ó sa camay, ó sa ibang lugar nang catauan.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap