United States or New Zealand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa icatlong arao pupurgahing uli, nang purgang mahina hina at pararapitan sa dalauang binti. Cun baga pinapauisan ang maysaquit, paiinumin nang anomang bagay nanacacapagpapauis; itong pagpapauis doon, ay itutuloy na mahabang panahon, hangan sa siyam na arao, sa halimbaua; at cun minsan itong pagpauis ay macacauala nan man~ga bacas nang apoplegía.
Pagca gayon ang lagay nang maysaquit ay paiinumin nang bilin sa número 23, at ilalagay sa husay ang maysaquit na magaling-galing na capítulo 5. Saca pag nacalalo ang ualo ó sampuong arao, ay pupurgahing uli noon ding bilin sa número 23.
Ang ibang man~ga pasucang bilin doon sa número 34 at sa 35, ay paraparang magaling din, at ualang liuag. Ang mangagamot ay macapipili doon nang balang caniyang ibig. Cun mayroong pupurgahing tauo, ang bilin sa número 21, sa macatouid, ang jalapa, sen at crémor ay totoong buti. Datapoua cun ang pupurgahin ay babaying buntis, sucat na roon ang maná ó cañafistula timbang cahati.