United States or Somalia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Bucod dito,i, cailan~gang pacatandaan nang mangagamot, na pag ang maysaquit ay sungmusuca na, ay capilitang totoo na big-yan nang tubig na malacuco, nang houag mahirapan siya nang pagsuca; maigui rin ang tubig na pinaglagaan nang manzanilla. Nota. Itong pasucang ito,i, bibilhin sa botica datapoua hindi lubhang bagay sa tagalog.

Ang ibang man~ga pasucang bilin doon sa número 34 at sa 35, ay paraparang magaling din, at ualang liuag. Ang mangagamot ay macapipili doon nang balang caniyang ibig. Cun mayroong pupurgahing tauo, ang bilin sa número 21, sa macatouid, ang jalapa, sen at crémor ay totoong buti. Datapoua cun ang pupurgahin ay babaying buntis, sucat na roon ang maná ó cañafistula timbang cahati.

Pagca ang maysaquit pinaiinom na parati sa loob nang dalauang arao nitong man~ga turo co n~gayon; cun baga ang bibig ay mapait pa, at ibig niyang sumuca, ay paiinumin nang bilin sa número 34. Itong polvos na ito,i, hindi sucat inuming minsanan, at totoong tapang yaong pasucang yaon.

Marahil cailan~gang ipainom sa maysaquit hindi miminsan lamang cundi maquiilan ang saicapat na bahagui noon ding bilin sa número 35; at saca cun dahil sa pag-inom noong pasucang yaon, ay nacuha na ang caramihang bagay na marumi na iquinalalagnat niya, ay paiinumin touing icatlong arao, ó cun minsan arao-arao nang bilin sa número 38.

Cun ang saquit nang ictericia ay sungmusunod sa pagsintac sa atay, ó sa purga ó pasucang matapang ó sa paglon-oc nang lason, sa pamamanglao, ó sa tacot ó galit na malaqui, ó sa cólico bilioso párrafo 364, ang maysaquit ay ilagay sa husay nang maysaquit na magaling-galing na capítulo 5, at macaapat maghapon paiinumin nang bilin sa número 20. Susumpitin siya nang malimit nang bilin sa número 5.

Saca painumin nang bilin sa número 35; ito,i, cailan~gang totoo na gauin agad, cun bagong nagcasaquit ang tauo; datapoua cun hindi guinauang tambing, at ang maysaquit ay malacas-lacas pa, at bucod dito ang pulso,i, hindi matigas, ay mapapainom pa noong pasucang yaon, nacalalo man ang dalauang puong arao nang caniyang pagcacasaquit.

Sucat na roon cun minsan ang siya,i, uminom nang maraming malamig na tubig, at lumiban siya sa isang pagcain arao-arao, at houag siyang cumain nang man~ga maliliuag matunao sa sicmura niya. Cun mayroong tauong pasusucahin, ay doon sa man~ga número 34 at sa 35, maquiquita nang mangagamot ang ugaling pasucang guinagamit sa man~ga castila, sa macatouid, ang tártaro emético at ang ipecacuana.

Salita Ng Araw

lumuhód

Ang iba ay Naghahanap