United States or Belarus ? Vote for the TOP Country of the Week !
Saca doon sa dacong icasiyam na arao nang caniyang pagcacasaquit hangan sa icalabing apat ay dinaraanan siya cun magcaminsan nang hirap na ilang oras calauon, at saca siya,i, nag-iilaguin ó ungmiihi nang marami, ó pinagpapauisan nang malaqui; ang bibig at ang ilong mula roon, ay hindi na totoong tuyo; nauauala naman ang uhao, at ang maysaquit ay malacas-lacas na at nacacatulog.
Saca painumin nang bilin sa número 35; ito,i, cailan~gang totoo na gauin agad, cun bagong nagcasaquit ang tauo; datapoua cun hindi guinauang tambing, at ang maysaquit ay malacas-lacas pa, at bucod dito ang pulso,i, hindi matigas, ay mapapainom pa noong pasucang yaon, nacalalo man ang dalauang puong arao nang caniyang pagcacasaquit.
Dahil dito, cun ayon sa sinabi sa itaas sa párrafo 42, nahahalatang mayroong sibol sa baga, cailan~gang gumaua nang capaanyoan, nang mangyaring pumutoc ang sibol nang magaling na pagputoc, nang houag mamatay ang tauo, at gayon ang gagauin. Pasisipsipin ang maysaquit, cun baga malacas-lacas pa, nang sin~gao nang tubig na mainit, ayon sa turo sa nómero 53 at ito,i, gagauing parati.
Salita Ng Araw