United States or Malaysia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun baga napacatapang ang pasuca, at ang maysaquit ay lumulubha dahilan doon, ay gagamutin para nang turo sa párrafo 445. Ang timbang tatlong pouo at limang butil na trigo nang ipecacuana ó bejuquillo, ay ilalagay sa calahating tazang tubig, at ipaiinom sa maysaquit. Nota. Cun ualang ipecacuana, ang ituturo co n~gayo,i, na-aari, at totoong buti.
Ang timbang saicaualong ruibarbo at ang isang gayon ding crémor. Ang timbang tatlong bahaguing crémor at ang timbang saicapat na ipecacuana, ó bejuquillo, ay hahaluin capoua, at gagauing anim na bahagui. Nota. Cun ualang ipecacuana,i, magagamit ang balat nang iguio ó aguio timbang saicapat, na isasama sa tatlong bahaguing crémor, at gagauing anim na inom.
Sucat na roon cun minsan ang siya,i, uminom nang maraming malamig na tubig, at lumiban siya sa isang pagcain arao-arao, at houag siyang cumain nang man~ga maliliuag matunao sa sicmura niya. Cun mayroong tauong pasusucahin, ay doon sa man~ga número 34 at sa 35, maquiquita nang mangagamot ang ugaling pasucang guinagamit sa man~ga castila, sa macatouid, ang tártaro emético at ang ipecacuana.