United States or Syria ? Vote for the TOP Country of the Week !


Caya ang timbang saicaualong hojas de sen, na bilin sa número 21, ay houag nang bayuhin; cundi ihulog mo lamang sa isang tazang tubig na cunmuculo pa; at pag malamig lamig na,i, doon sa tubig na yaon ihulog mo ang jalapa at ang crémor.

N~guni ang lalong mabuti roo,i, painuming parati ang maysaquit nang bilin sa número 26, ó nang sa número 12, na lalag-yan nang timbang saicaualong salitre sa baua,t, isang tagayang tubig. Touing icalauang oras bibig-yan nang isang taza nang bilin sa número 8. Saca pararapitan sa man~ga binti nang sa número 36. Itong man~ga gamot na ito ay hindi macasasama sa maysaquit, at cun minsan macacagaling.

Ang isang piso naman ay catimbang nang labing pitong saicaualo. Ang laman nang isang botellang ugali, ay mahiguit sa isang tagayan, ó apat na malaquing tazang chocolatihan mahiguit pa, na yao,i, isang libra rin. Ang laman nang isang ugaling cuchara ay ang saicaualong bahagui nang isang tazang malaquing chocolatihan.

Touing oras ay paiinumin nang isang taza nang turo sa número 32, ó cun ualang sampaloc, ay na-aari ang timbang saicaualong crémor. Maigui ring bañusan ang maysaquit hangang tuhod, at lag-yan sa tiyan nang basahang babad sa malacucong tubig. Cun baga totoong laqui nang saquit nang sicmura ó tiyan, at ang pulso ay malacas, at ga mabagting, ay cailan~gang sangrahan ang maysaquit.

Itong gamot na ito,i, nacacapagpalabas nang man~ga maruruming bagay na nan~gabuloc sa loob nang catauan, pati nang bulati na marahil sumipot sa saquit na ito ay yaon cun minsan ang dahilan nang man~ga inaasal nang maysaquit. Cun baga ang balat nang maysaquit ay tuyo dahilan sa calimitan nang pag-iilaguin, ang ipaiinom doon hindi ruibarbo, cundi ang bilin sa número 39 timbang saicaualong mahiguit.

Ang timbang saicaualong ruibarbo at ang isang gayon ding crémor. Ang timbang tatlong bahaguing crémor at ang timbang saicapat na ipecacuana, ó bejuquillo, ay hahaluin capoua, at gagauing anim na bahagui. Nota. Cun ualang ipecacuana,i, magagamit ang balat nang iguio ó aguio timbang saicapat, na isasama sa tatlong bahaguing crémor, at gagauing anim na inom.

Nota. Cun ang jabón sa castila,i, hindi maputi, hindi sucat gamitin; ang jabóng mapula ó ang may iba,t, ibang color ay masama. Ang timbang pisong mercurio ó azogueng malinis na ualang calahoc, pati nang timbang dalauang pisong manticang bago nang baboy, sampon nang timbang saicaualong trementina de Venecia.

Ang timbang cahati nang hojas de sen, at ang timbang saicaualong nitro ó salitre, ibabad mo sa dalauang tazang tubig na mainit na pinaglagaan nang culutan, at pag malamig lamig na ang tubig, ay salain. Cun ualang hojas de sen, ay na-aari ang dahong tuyo nang acapulco, timbang cahati. Ang acapulco cundi ilaga,i, mahina ang cabagsican.

Ang timbang saicaualong jalapa at ang timbang saicaualong crémor ay babayuhi,t, hahaluin mong maigui capoua, bago ihulog mo sa isang tazang tubig na mainit-init, na pinaglagaan nang timbang saicaualong hojas de sen . Itong purga,i, caiguihan sa malacas na tauo.

Gayon din ang salagsalag, na nadoroon sa número 34 ay sucat ang ibabad sa tubig hangang nagdarasal ca nang isang Aba Guinoong Maria . Ang iguio sa número 35 naman ay sucat na sa maysaquit na malacas ang timbang saicaualong mahiguit higuit noon. Datapoua mayroong tauo, na nacainom nang timbang saicapat, cun siya totoong lacas nang catauan.